FELIP - Bulan lyrics

Felip Jhon Suson [SB19]

[FELIP - Bulan lyrics]

Oh-oh-oh-ohh
Oh-oh-ahh, oh-oh-ahh
Ooh-ahh-ahh, ooh-ahh

Yah, 'di na mahalaga kung sino 'yung nauna
'Di na magiging patas 'tong laro
Kita mo 'pag ako na ang sumali, ugh
Noo'y nasa baba, ngayon ay nasa tuktok ng kamurayan
Tinitingala, ako ang Bulan
Papunta ka pa lang, ako ay pabalik na, yah
Huli na'ng lahat, ang aking apoy 'di niyo na maaapula
Abante lang, walang atrasan, ang bumangga giba
Kabisig man o hindi ang mundo
Tuloy-tuloy lang ang takbo

Dahil ako lang, wala nang kulang
Pagpatak ng dilim, ako ang Bulan
Sa Silanganan, 'di 'to ambon
Kundi buhos ng ulan, kaliwa, kanan
Lakad bitbit ko ang aking pangalan
Itaga mo ito, sunod na bersikulo

Dapat lang kabado (Kabado)
Itong nagpapanggap na bulalakaw, ano na? (Yah, yah)
Kahit sabihin mo pa sa'kin ako'y patatahimikin
Ako'y nakaupo na sa trono, tanga ka ba? Ha?
'Di na bago sa'kin 'to, dapat lang basagin 'to
Umaapoy, sunugin 'to, kung manalangin 'kala mo santo
Patahimikin 'tong hipokrito

Oh, Haliya, ibukas ang mata
Lalamunin ka na niya
'Wag magpaapi sa Bakunawa (Yah, Bakunawa)
Sa himpapawid ang agila'y sumilip
'Di limitadong pananaw at pag-iisip
Ugma ko sa Henesis itinatak-da

Dahil ako lang, wala nang kulang
Pagpatak ng dilim, ako ang Bulan
Sa Silanganan, 'di 'to ambon
Kundi buhos ng ulan, kaliwa, kanan
Lakad bitbit ko ang aking pangalan
Itaga mo ito, sunod na bersikulo

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret