Flow G, Gloc-9 - Ibong Adarna lyrics

Flow G [Archie Basilio Dela Cruz] Philippines

Aristotle Pollisco

[Flow G, Gloc-9 - Ibong Adarna lyrics]

'Yung dating tayo ay wala na, pa'no ba 'to
Bakit biglang gumulo, 'yung dati natin binuo
Wala na gumuho na

Mahal, kamusta?
Masarap ba gising mo, buti nakatulog ka
Ako 'eto simula nung nangyari
Lahat 'to ay binabangungot na
Ligaw na ligaw 'di alam kung sa'n pupunta
Halos malunod na, dahil sa pagkalugmok
Na may halong lungkot, kaya laging nagluluksa
Nabugbog pa kahit na utak ko lang ang kalaban
Ako ay nadurog
Kahit na sa tinik ako'y natusok
Ay naging tahimik hindi na rin para humugot
May luhang tutulo tuwing nakamukmok
Ako sa ilalim ng kumot, ako ay nahulog
Biktima sa sitwasyon na may
Aral pa ring mapupulot pero 'wag mag-aalala
Kahit papa'no nakakahinga
Hindi nakatulong 'yung kasabihan
'Pag napagod kailangan lang magpahinga
Ilang gabi na nakadilat pa rin
Ako kahit gabing-gabi na
Pero hindi pa rin nagmakaawa
Kahit na kawawa't aping-api na
Ikaw kamusta ka d'yan
Sana hindi mo 'to mapakinggan
Kasi ayaw ko sabihin mo sa
Sinabi ko ikaw ang pinaparinggan
Sumakay ako sa alon mo kasi akala ko pareho
Tayo na gusto na magkapitan
Eh 'di sana 'di na nagkainteres
Sa interes ko, ito ang bunga ng kapital

'Di ko alam pa'no nangyari 'to lahat
'Yung pinaghirapan nating dalawa ay wasak
Ang bilis ng pangyayari't naganap
Kaya maging ako'y gulat na gulat

Mga alaala na nakakatakot maalala
Naranasan nating dalawa ng magkasama, wala na
Napalitan na ng lungkot ang ligaya
'Yun ang 'di ko kaya

Buti ka pa parang hindi mo iniinda
Habang ako ay hirap na matulog
At sana'y 'di na gumising pa
Gusto ko ng medisina
Para hindi na makadama ng
Sakit sa tuwina pampamanhid
Bibilin ko agad kung meron man nagtitinda
'Di ko na pinilit alamin ang totoo
Kasi iniisip ko baka mas lalong gumulo
'Yung sabay natin na binuo
Nawala rin kaagad kasi puno ng alaala madugo
Pagkamag-isa nakaupo, madalas nakayuko
Kasabay ng luha ayaw matuyo
'pag may kaharap na ibang tao
Nako po magpapangggap na buo
Kailangan masaya ako palagi kahit na
Hindi na katulad ng dati
Para 'di nila isipin na nahihirapan
Ako sa lahat na nangyayari
Sinasarili ang bawat kirot na
Pinapasan sa likod
Dapat nagtataka lagi kung bakit
Bulok ang binunga imbis na hinog
Mahirap magpanggap na ayos lang
Kaso kailangan sa ganitong kaganapan
Ay dapat agapan makita ang iyong kahinaan
Para hindi kaawaan o pagtawanan
Mahirap pa lang maranasang masaktan
Sa kamay ng napiling pakisamahan

'Di ko alam pa'no nangyari 'to lahat
'Yung pinaghirapan nating dalawa ay wasak
Ang bilis ng pangyayari't naganap
Kaya maging ako'y gulat na gulat

Mga alaala na nakakatakot maalala
Naranasan nating dalawa ng magkasama, wala na
Napalitan na ng lungkot ang ligaya
'Yun ang 'di ko kaya

Sana ako'y tulad ng iba
Kaya kang iwanan d'yan ng mag-isa
Luha mo ay hindi pupunasan
Tatawanan pagkatapos sugatan, hindi gano'n
Tinulungan kang makalipad
Para sa'yo ay nakahanda akong gawin ang lahat
Wala na sa'kin natira, baliwala pa
Pakinggan niyo ang makabagong istorya
Ng Ibong Adarna

Bakit gano'n ang panahon
Ako ay napakaraming tanong
Akala ko ay dinala kita sa palasyo
Pero sabi mo ay kinahon
Ang dating tayo na palaging masaya
At nagsasama ng matiwasay
Init ng apoy na namamatay
Panggatong ako na lamang ang naglalagay
Ano ba sa iyong palagay, inakay na kita
Makadaan sa landas na madilim
'Di naman ako 'yung tipong na lalaki
Iiwanan ka na lamang kasi
Natapos na kitang pitasin
Napakahirap abutin, 'di mo ba napansin
Dinidiligan ko ang 'yong hardin
Inaabangan na dumating
Bakit madalas ka na yatang
Inaabutan ng dilim?

Oh, bakit parang lumalalim ang sugat
Ayaw kong tingnan kahit laging nakamulat
Alam ko na siyang nilalaman ng sulat
Mabigat pero 'di na magugulat
Hinihintay kita makauwi
Lumuluha kahit nakangiti
Lungkot na palagi kong buhat
Hindi ko masukat, pilitin ko mang ikubli
Balita ko may sinasabi ang
Mga chismosa na ale
'Di ko inakala 'to, grabe
Sa ulo ko ay may tae

'Di ko alam pa'no nangyari 'to lahat
('Di ko alam pa'no nangyari 'to lahat)
'Yung pinaghirapan nating dalawa ay wasak
(Ohh oh) ang bilis ng pangyayari't naganap
Kaya maging ako'y gulat na gulat
(Kaya maging ako'y gulat na gulat)

Mga alaala na nakakatakot maalala
Naranasan nating dalawa ng magkasama, wala na
(Ohh oh) napalitan na ng lungkot ang ligaya
(Napalitan na ng lungkot ang ligaya)
'Yun ang 'di ko kaya

'Di ko alam pa'no nangyari 'to lahat (Ohh oh)
'Yung pinaghirapan nating dalawa ay wasak
Ang bilis ng pangyayari't naganap
(Ang bilis ng pangyayari't naganap)
Kaya maging ako'y gulat na gulat

Mga alaala na nakakatakot maalala (Ohh oh)
Naranasan nating dalawa ng magkasama, wala na
Napalitan na ng lungkot ang ligaya
(Napalitan na ng lungkot ang ligaya)
'Yun ang 'di ko kaya ('Yun ang 'di ko kaya)

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret