Yuridope - Brrt Pow! (feat. Emcee Rhenn, Flow G) lyrics
Yuridope [Melvin Francisco Santos] Philippines
Emcee Rhenn [John Maren Mangabang] Philippines
Flow G [Archie Basilio Dela Cruz] Alabang, Muntinlupa, Philippines 🇵🇭
Huli nang inilabas ang kantang "Brrt Pow!" ay naging tunay na paborito ng mga tagahanga, nagdudulot ng damdaming marami at makulay na reaksyon. Ang mga tagasunod ay nagpahayag ng kanilang kasiyahan at paghanga, nag-iwan ng kanilang mga komento sa musikang bidyo. Isa sa mga kahanga-hangang bahagi ay ang pagkamangha sa kahanga-hangang tunog. Ang mga tagapakinig ay naglalarawan ng natatanging katangian ng pagganap, binibigyang-diin ang mga aspeto ng pag-rap at teknikal na galing ng bawat rapero. Ang iba't ibang personal na aspeto ng kanta ay nakapukaw din ng pansin ng mga tagahanga. Nagpahayag sila ng kanilang opinyon hinggil sa ugnayan ng mga mang-aawit. Syempre, reaksyon din ng fanbase ang natatanggap sa teksto ng kanta, binibigyan nila ng halaga ang lakas at kahulugan nito. Bukod dito, may mga komento na nagtutukoy sa mga tagong kahulugan at misteryo ng mga lirika. Ang mga pangunahing karakter mismo ay naglalarawan ng iba't ibang bahagi ng kanilang personalidad: katotohanan, pag-usbong, kritisismo, kasakiman, karunungan, at pananampalataya sa karma. Ang lahat ng ito ay naglilingkod na babala na ang negatibong mga aksyon ay maaaring bumalik, at ang tunay na kalikasan ng tao ay palaging malinaw.
[Yuridope - Brrt Pow! feat. Emcee Rhenn, Flow G lyrics]
Bawal ang kupal, bawal ang kupal
Bawal ang kupal, bawal ang kupal
Bawal ang kupal, bawal ang kupal
Bawal ang kupal, bawal ang kupal
Tandaan mo lang palagi na kahit malalim mo pa ibaon
At balutin ng sampung kahon at itapon mo man sa balon
Ay aahon ang baho na kahit itago ay kusa na lang sisingaw
'Yung tunay na kwento na 'di mo masabi na noon pa sumisigaw
Baka mahilaw ka? 'Kwento ko ba now na?
"Talo-talo na lang dito", gano'n ba ang pananaw, huh?
Oh, 'wag nang magde-deny pa, 'lam niya na 'yon, 'yung nagawa niya
Hirap itulog nang ganyan kaya alam ko na puyat ka
O baka naman sanay na, 'pag nand'yan kumakaway pa
Ang akala mong malinis, ngayon magkakalat-kalat na
Ingat ka 'pag tagmalas sa'yo ay nagdalaw-dalaw na
Karma na ang tawag do'n kung noon ay nag-alat-alat ka
May bayad ang utang na 'di man nasulat sa papel natatandaan
'Di lagi pistahan na mayro'ng handaan at upuang masasandalan
May umay ang taong matagal ginoyo na laging kinakamayan
At may dulo ang kwento pati ang tiwala kung sa'n may kakulangan
Ngayon ako'y tignan mo, oh
'Di mo ba makita kasi daming nakaharang?
'Tatamis nang titikman ko
Daming perang hawak tsaka mamahaling alak
Ang sarili mo ay tignan mo, oh
'Lang sumasagot kapag ikaw ang tumatawag
Ang pait na ng lahat sa'yo
'Di ka kasi naging mabait, ayan tuloy, oh
Magulang, gahaman, madupang, suwapang
Madaya, masiba, sakim, at matakaw
Ganyan ka kababaw, wala nang gamot
Sa sakit mo na 'yan at 'di mo na matatakpan
Baka nakakalimutan mong naaalala ko pa
'Yoko na lang paalala baka lumala pa at inaalala kita
Asahan mo, 'di lang isa 'yung sasaluhin mo mag-isa
Malay mo sa'kin ay makalusot ka, ang kaso lang may mata din 'yung iba
Ramdam ko na ramdam mong ramdam ka na, 'di lang nagsasalita
Alam ko na alam mong may alam kami, 'di ka pa din nahiya
Matanong ko lang, ano ba lasa? Manggarapal at magpakasasa sa 'di mo biyaya
Matabang o 'di mo malunok kasi 'di mo pa din manguya
Ikaw na bahala kung pa'no mo malulusutan, 'yun ay
Kung mayro'n pang masusuotan, 'yung tyansang
'Kala mo palabunutan, 'yung resulta, alam mo na pang-gulatan
Mawalan ka man ng mga sasandalan, manigas ka
'Wag ka na magtaka pa, ginawa mo 'yan, 'di mo na mapapagaan
'Yung balik abangan mo na lang
Masamang humangad ng mga masamang maganap sa iba
Kasi nga malamang sa'yo 'yan matupad
Sige ka baka mas malala 'pag tumama sa'yo at magsisi ka man, huli na
Ngayon ako'y tignan mo, oh
'Di mo ba makita kasi daming nakaharang?
'Tatamis nang titikman ko
Daming perang hawak tsaka mamahaling alak
Ang sarili mo ay tignan mo, oh
'Lang sumasagot kapag ikaw ang tumatawag
Ang pait na ng lahat sa'yo
'Di ka kasi naging mabait, ayan tuloy, oh
Alam mo naman, 'di ba na may kasabihan tayo?
Kung anong gawin mo sa iyong kapwa ay babalik din
Inaangat ay 'yung nagpapakababa
Binababa nang mas mababa, 'yung pailalim nanghigit
Kung hindi ka marunong makuntento, lagi pa rin nakatingin
Gusto pa rin makatikim sa pinaghirapan ng iba, may budhi ka napakaitim
Ba't 'di ka magbago? Ah, wala nang pag-asa
'Pag 'di ka nagbago ang karma tiyak lalala pa
Pati sa litrato ay mawawala ka
Masakit 'pag bumalik ang karma kaya magtino ka na hangga't maaga
Ang kasamaan ay kaagapan, bawasan magagawa na kasalanan
Kasi hindi habang buhay ka na sa kalakasan, bumabaligtad kapalaran
Humalik ka man sa paanan na 'yong ginawan ng mali ay wala ka pa rin katiyakan
Makakatanggap sa kanila ng kapatawaran, mas masakit pa baka tawanan na lamang
Laman pa ng mga asaran na baka 'di mo makayanan
Mga kaganapan na hindi mo nakasanayan, kasi turing sa'yo noon kayamanan
Ang pinairal mo kasi kayabangan, kaya siguro'y 'di mo na namamalayan
Na totoo 'yung salitang lahat ay may hangganan
Oh, ngayon ay nasa'n ka?
Ngayon ako'y tignan mo, oh
'Di mo ba makita kasi daming nakaharang?
'Tatamis nang titikman ko
Daming perang hawak tsaka mamahaling alak
Ang sarili mo ay tignan mo, oh
'Lang sumasagot kapag ikaw ang tumatawag
Ang pait na ng lahat sa'yo
'Di ka kasi naging mabait, ayan tuloy, oh