Yuridope - Huli Na (feat. Skusta Clee) lyrics

Yuridope [Melvin Francisco Santos] Philippines

Skusta Clee [Daryl Jake Borja Ruiz]

[Yuridope - Huli Na feat. Skusta Clee lyrics]

U-u-u-u, u-u-u-u-u
U-u-u-u, u-u-u-u

Namamanhid na sa ginaw at wala ng init
Alam kong pati ikaw, 'di na matahimik
Puso ay sumisigaw, 'di na kaya ng isip
Ayaw ko nang iligaw, bakit ipipilit?

Kung said na ang lahat, lahat ng pag-ibig
Ako na'ng maglalakas ng loob itigil
Ng isang sakit na lang at isang isipin
Kailangan lang naman natin marinig sabihin na

Sa dami ng maling nangyari
Hindi ko na rin masasabing
Kaya ko pa bang hindi ka iwan?
Kasinungalingan
'Wag tayong magkunyaring
Kaya pa rin natin na maging masaya
Huli na, ah-ah, ah, oh-oh

Nag-alala na lamang ang pagmamahal ay wala
Nagpapakatapat sa ngalan ng kapayapaan ng utak, ah
'Yaw na kitang hilahin palapit, sabihin mo nang tinutulak
Kaysa parehong malubog pa sa lusak ng mga sagutang 'di kaya ng usap

Kasi 'sang katutak na ang dahilan,
Sa halip na mali ang hanapin, 'yung makakabuti sa atin
Ay pwede din natin makita, kung 'di na tayo magkikita
Kasi sa aking palagay ay wala nang pahinga, makakaalis na'ng bigat
Makinig ka baka 'yung pagkakalas natin sa'ting dalawa ay
Hindi naman makakasira kasi

Sa dami ng maling nangyari
Hindi ko na rin masasabing
Kaya ko pa bang hindi ka iwan?
Kasinungalingan
'Wag tayong magkunyaring
Kaya pa rin natin na maging masaya
Huli na, ah-ah, ah, oh-oh

Kahit na isang beses lang
Kahit na isang beses lang
Ako ba'y iyong pakikinggan?
Isang beses lang para maliwanag

Sa dami ng maling nangyari
Hindi ko na rin masasabing
Kaya ko pa bang hindi ka iwan?
Kasinungalingan
'Wag tayong magkunyaring
Kaya pa rin natin na maging masaya
Huli na-a-a-ah, o-oh

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret