Yuridope - Wag Na lyrics

Yuridope [Melvin Francisco Santos] Philippines

[Yuridope - Wag Na lyrics]

Wooh, wooh, wooh!

'Di na mag-iisa ngayong gabi (Ngayong gabi)
Kasi ikaw na ang katabi (Ang katabi)
Kaya habang lumalalim ang gabi
Dinarasal ko lagi na 'wag ka nang umuwi
Kaya 'wag na, 'wag na, 'wag na, 'wag na, 'wag nang umuwi
Kaya 'wag na, 'wag na, 'wag sanang umuwi
Kaya 'wag na, 'wag na, 'wag na, 'wag nang umuwi
Kaya dinarasal ko lagi na 'wag sanang umuwi

Teka lang, nasa'n ka na ba? Kanina pa 'ko dito
Sa sala, paikot-ikot, buong bahay na ay nalibot
'Di naman sa inaatake lang ng libog, gusto ko lang makalimot
Sa araw na ito na wala nang mas masalimuot
Alam mo naman na ikaw lang tagatanggal ng masamang pakiramdam
'Pag ikaw na ang nasa harapan, ako'y maligaya na naman
Wala na yatang makakapantay sa hinahatid mo na saya
Kaya kahit pagalitan pa nila dahil magdamag na tayong
Magkasamang dalawa, wala silang magagawa kasi

Mukha mo ang gusto ko na unang makikita sa umaga
Ang gabi'y gusto nang itaboy kasi kailangan mong umuwi nang maaga
Pwede bang 'wag ka na lang umalis, sige na, please, ako na lang ang bahala
Sulitin natin ang bawat sandaling para sa'tin para naman sana

Ako ay 'di na mag-iisa ngayong gabi
Kasi ikaw na ang katabi
Kaya habang lumalalim ang gabi
Dinarasal ko lagi na 'wag ka nang umuwi
Kaya 'wag na, 'wag na, 'wag na, 'wag na, 'wag nang umuwi
Kaya 'wag na, 'wag na, 'wag sanang umuwi
Kaya 'wag na, 'wag na, 'wag na, 'wag nang umuwi
Kaya dinarasal ko lagi na 'wag sanang umuwi

Pasensya na kung masyado ako na makulit (Sorry)
Gusto ko lang naman na maalala mo ulit
Ako kapag nagkalayo
Tayong dalawa at imposible na kita na masundo
'Yung tipong ang pagitan natin kailangan pa na sumakay sa eroplano
Kaya nakakalungkot lang kung hanggang kwento na lang 'yung mga nabuo nating plano
Magkatabi na matutulog, kung ‘di ka komportable ay ako na ang uusog (Ako na)
O kaya yakapin mo na lang ako kasi baka naman isa sa'tin sa kama ay mahulog
Ang sarap isipin, gusto ko nang gawin, kaso ang tagal-tagal mong dumating
Pagdating mo naman ay tsaka magmamadali ka naman na umuwi

Mukha mo ang gusto ko na unang makikita sa umaga
Ang gabi'y gusto nang itaboy kasi kailangan mong umuwi nang maaga
Pwede bang 'wag ka na lang umalis, sige na, please, ako na lang ang bahala
Sulitin natin ang bawat sandaling para sa'tin para naman sana

Ako ay 'di na mag-iisa ngayong gabi (Ngayong gabi)
Kasi ikaw na ang katabi (Ang katabi) (Hey)
Kaya habang lumalalim ang gabi
Dinarasal ko lagi na 'wag ka nang umuwi (Woo)
Kaya 'wag na ('Wag na), 'wag na ('Wag na), 'wag na, 'wag na, 'wag nang umuwi
Kaya 'wag na, 'wag na, 'wag sanang umuwi ('Wag sanang umuwi)
Kaya 'wag na, 'wag na, 'wag na, 'wag nang umuwi (Hey)
Kaya dinarasal ko lagi na ‘wag sanang umuwi

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret