Freddie Aguilar - Magdalena lyrics
[Freddie Aguilar - Magdalena lyrics]
Larawan mo'y nilalait
Magdalena ikaw ay 'di maintindihan
Ika'y isang kapuspalad
Bigo ka pa sa pag-ibig
Hindi ka nag-aral, 'pagkat walang pera
Kaya ika'y namasukan, doon sa Mabini napadpad
Mula noon
Binansagang kalapating mababa ang lipad
Hindi mo man ito nais, ika'y walang magagawa
'Pagkat kailangan mong mabuhay sa mundo
Tiniis mo ang lahat, kay hirap ng kalagayan
Ang pangarap mo, maahon sa hirap
Magdalena, ikaw ay sawimpalad
Kailan ka nila maiintindihan
Magdalena, ikaw ay sawimpalad
Kailan ka nila maiintindihan
Magdalena, Magdalena
Ibig mo nang magbago at
Mamuhay na nang tahimik
Ngunit ang mundo'y sadyang napakalupit
Hanggang kailan maghihintay
Hanggang kailan magtitiis
Ang dalangin mo, kailan maririnig