Freddie Aguilar - Ngayon at kailanman lyrics
[Freddie Aguilar - Ngayon at kailanman lyrics]
Ngayon at kailanman hindi ka na mag-iisa
Ngayon at kailanman sa hirap o ginhawa pa
Asahan may kasama ka sinta
Naroroon ako t'wina maaasahan mo t'wina
Ngayon at kailanman
Dahil kaya sa 'yo
Nang maitadhanang ako'y isilang sa mundo
Upang sa araw-araw ay siyang makapiling mo
Upang ngayon at kailanman
Ikaw ay mapalingkuran hirang
Bakit labis kitang mahal
Pangalawa sa Maykapal higit sa 'king buhay
Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa 'yo liyag
Lalong tumatamis tumitingkad
Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon
Na daig ng bawat bukas
Malilimot ka lang
Kapag ang araw at bituin ay 'di na matanaw
Kapag tumigil ang daigdig at 'di 'na gumalaw
Subalit isang araw pa matapos
Ang mundo'y nagunaw na
Hanggang doon magwawakas pag-ibig
Kong sadyang wagas
Ngayon at kailanman giliw ko
Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa 'yo liyag
Lalong tumatamis tumitingkad
Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon
Na daig ng bawat bukas ngayon at kailanman
Bakit labis kitang mahal
Pangalawa sa Maykapal
Higit sa 'king buhay giliw ko
Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa 'yo liyag
Lalong tumatamis tumitingkad
Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon
Na daig ng bawat bukas ngayon at kailanman
Ikaw ang aking panauhin ngayon at kailanman