Geraldine - Umiibig Ako lyrics
Geraldine
[Geraldine - Umiibig Ako lyrics]
Na wala nang kalayaan
Sa batas ng tao at sa batas ng Diyos
'Di ko siyang maaaring angkinin
Kapwa taos sa puso ang aming pagsuyo
’Di namin sinadyang kami'y magkatagpo
Sumibol sa dibdib, bawal na pag-ibig
Na maituturing kong tanging ligaya ko
Umiibig ako sa isang taong wala nang kalayaan
Bakit nangyari pang kami'y pinagtagpo
Ng ating Maykapal
Umiibig ako, unang pang-ibig ko
Bakit siya pa? Oh, diyos ko!
Sadya bang ganito
Ang umibig ng tapat luha ang dulot nito
Kahapon, kagabi kami ay nagkita
Upang wakasan ang lahat
Kapwa lumuluha, kay hapdi ng sugat
Ngunit wala kaming magagawa
Paano kong lilimutin suyuang kay lambing
Na sa kanya ko lang natagpuan?
Hahanap hanapin ko halik niyang kay tamis
At mga yakap na anong higpit
Umiibig ako sa isang taong wala nang kalayaan
Bakit nangyari pang kami’y pinagtagpo
Ng ating Maykapal?
Umiibig ako, unang pang-ibig ko
Bakit siya pa? Oh, diyos ko!
Sadya bang ganito
Ang umibig ng tapat luha ang dulot nito
Umiibig ako sa isang taong wala nang kalayaan
Bakit nangyari pang kami'y pinag