Imelda Papin - Bawal lyrics

Imelda Papin

[Imelda Papin - Bawal lyrics]

Tulad mo ay bituin sa tingin ay lapit
Ngunit kung abutin, singlayo ng langit
Tulad ko ay langis na nasa tubig mo'y
Duming kay pangit
Bakit nga ba sa buhay ko ikaw ay sumapit?

Bawal kang mahalin ng isang tulad ko
Bawal kang tumuntong sa api kong mundo
Kahit sa isip lang
Bawal sa akin ang sa 'yo'y magmahal
Puso ko'y di malaya, bilanggo at bawal

Bawal sa akin ang 'yong tingin
Ang iyong ngiti, ang 'yong pansin
Bawal din ang mga bituin
Ng 'yong matang may luningning

Ang mahipo ang iyong kamay
Ay langit na ang kapantay
Guniguni nangangatal
Isipin lang na ito'y bawal

Kung 'di mo hangad ang ako'y magkasala
Ibaling ang tingin sa puso ng iba
Sige na, sige na, umalis ka na
Bago mo mapansin
Na ikaw ang siyang tanging mahal sa akin

Bawal sa akin ang 'yong tingin
Ang iyong ngiti, ang 'yong pansin
Bawal din ang mga bituin
Ng 'yong matang may luningning

Ang mahipo ang iyong kamay
Ay langit na ang kapantay
Guniguni nangangatal
Isipin lang na ito'y bawal

Bawal sa akin ang 'yong tingin
Ang iyong ngiti, ang 'yong pansin
Bawal din ang mga bituin
Ng 'yong matang may luningning
Ang mahipo ang 'yong kamay
Ay langit na ang kapantay
Guniguni nangangatal

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret