Jude Michael - Ang Iyong Pag-Ibig lyrics
Jude Michael
[Jude Michael - Ang Iyong Pag-Ibig lyrics]
At 'yan ang pag-ibig ko sa iyo
Laman ng puso't isip ko'y sadyang ikaw lamang
At kailanma'y hindi magbabago
Ang iyong pag-ibig sa akin, nagbigay-buhay
Walang katulad, ligaya na ibinigay
Iyong asahan maging sa kabilang buhay
Ang aking puso
Buong pag-ibig na sa yo'y iaalay
Ikaw maging bawat saglit ang siyang iniisip
Kailanman ay 'di ka mawawaglit
Sa 'yo'y patutunayan ko, tanging ikaw lamang
Bawat pinipintig ang puso ko
Ang iyong pag-ibig sa akin, nagbigay-buhay
Walang katulad, ligaya na ibinigay
Iyong asahan maging sa kabilang buhay
Ang aking puso
Buong pag-ibig na sa 'yo'y iaalay
Ang tanging kong dasal, sana ay magtagal
Kapwa hindi magbago sa ating pagmamahalan
'Pagkat tanging sa 'yo lamang naramdaman
Ang wagas at tunay na pagmamahal Pagmamahal
Ang iyong pag-ibig sa akin, nagbigay-buhay
Walang katulad, ligaya na ibinigay
Iyong asahan maging sa kabilang buhay
Ang aking puso sa 'yo'y aking iaalay
Ang iyong pag-ibig sa akin, nagbigay-buhay
Walang katulad, ligaya na ibinigay
Iyong asahan maging sa kabilang buhay
Ang aking puso
Buong pag-ibig na sa 'yo'y iaalay