La Diva - Gaano Kadalas Ang Minsan lyrics

[La Diva - Gaano Kadalas Ang Minsan lyrics]

Gaano kadalas ang minsan lang ka mahagkan?
'Sindalas na rin ng dami ng bituin, waring walang-hanggan
Dahil sa labi ko, laging mararamdaman
Kahit sandali halik mo'y dumampi, minsan

Gaano kadalas ang makapiling kang minsan?
Sa 'ki'y 'sindalas nang walang wakas, saglit man magpisan
Dahil sa gano'ng paraan lang mag-iisa
Kung magsasanib ang dalawang dibdib, 'di ba?

Ngunit kung pag-ibig ay hindi rin lang wagas
Mabuti pa, mabuti nga, mabuti ang hanggang maaga'y magwakas
Pagkukunwari itago man ay lalabas
At minsan kang matuklasan hapdi'y walang kasindalas

Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan?
Kahit minsan lang sa 'ki'y para bang walang katapusan
Gaano kadalas ba ang puso'y namamatay?
Gaano kadalas, gaano kadalas ang minsan?

Dahil ang pag-ibig kung hindi rin lang wagas


Mabuti pa, mabuti nga, mabuti ang hanggang maaga'y magwakas
Pagkukunwari itago man ay lalabas
At minsan kang matuklasan hapdi'y walang kasindalas

Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan?
Kahit minsan lang sa 'ki'y para bang walang katapusan
Gaano kadalas ba ang puso'y namamatay?
Gaano kadalas, gaano kadalas ang minsan?

Gaano kadalas, gaano kadalas ang minsan?

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret