Lani Misalucha - Bulag, Pipi, Bingi lyrics
[Lani Misalucha - Bulag, Pipi, Bingi lyrics]
May wasto at may mali
Sa bawat nilalang ay may bulag
May pipi at may bingi
Madilim ang 'yong paligid
Hating-gabing walang hanggan
Anyo at kulay ng mundo sa 'yo'y pinagkaitan
H'wag mabahala, kaibigan
Isinilang ka mang ganyan
Isang bulag sa kamunduhan
Ligtas ka sa kasalanan
'Di nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo
Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo
'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal
Ibigin mo mang umawit
Hindi mo makuhang gawin
Sigaw ng puso't damdamin wala
Sa 'yong pumapansin
Sampung daliri, kaibigan
D'yan ka nila pakikinggan
Pipi ka man nang isinilang
Dakila ka sa sinuman
AD LIB
Ano sa 'yo ang musika, sa 'yo ba'y mahalaga
Matahimik mong paligid, awitan ay 'di madinig
Mapalad ka, o kaibigan, napakaingay ng mundo
Sa isang binging katulad mo, walang daing
Walang gulo
'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal