Magnus Haven, Kristong Hari Children's Choir - Noel lyrics

[Magnus Haven, Kristong Hari Children's Choir - Noel lyrics]

Naririnig ang himig ng mga anghel
Sabay sa ihip ng malamig na hangin
Kumukutitap ang mga bituin
Parang sinasabing Pasko'y padating

Simpleng saya, bagong pag-asa
Basta't tayo'y magkakasama

Ano ba sa'tin ang Pasko?
Panahon nang pagmamahalan
Ano ba sa'tin ang Pasko?
Panahon nang pagbibigayan
Simpleng saya, bagong pag-asa
Basta't tayo'y magkakasama

Nagsawa na sa ingay ng paligid
Naging manhid na sa malamig na hangin
'Di makita ang liwanag ng bituin
Pagdating ng Pasko'y 'di na pansin

Simpleng saya, bagong pag-asa
Basta't tayo'y magkakasama

Ano ba sa'tin ang Pasko?
Panahon nang pagmamahalan
Ano ba sa'tin ang Pasko?
Panahon nang pagbibigayan
Simpleng saya, bagong pag-asa
Basta't tayo'y magkakasama

Halina't magsaya
Limutin, lungkot at problema
Umawit at isigaw mo
Ang pagsilang ng Tagapagligtas

Ano ba sa'tin ang Pasko?
Panahon nang pagmamahalan
Ano ba sa'tin ang Pasko?
Panahon nang pagbibigayan
Simpleng saya, bagong pag-asa
Basta't tayo'y magkakasama

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret