Maki - Kailan? lyrics

[Maki - Kailan? lyrics]

Kailanman 'di ko maiisip
Ang mundong walang ikaw
Tatandang lugod kasama ka
At kahit na kailan mamahalin kita

O kay bilis ng takbo ng panahon
Walang nananatili sa mga kahapon
Umiiyak nalang sa mga litrato
At muli, napapaisip

Kailan mo naramdaman
Na 'di mo na ako mahal?
(Na hindi na "ako" mahal?)
Pano mo nalaman
Na hindi na magtatagal
(At kaya mong pakawalan?)

Kasi paulit-ulit ko naman pinaparamdam
Sa iyo sa puso ko ikaw lamang ang laman
Kailan, saan, at bakit 'di ko man lang alam?
Hindi ko man lang alam
(Hindi ko man lang alam)

Kailan ko malalaman?
Bakit mo papakawalan ang sabi mong walang hanggan?

Kay tagal ko rin na naghintay
Nalulungkot bawat saglit
Ang dami ng kwentong nais kong sabihin
Hindi ka na nakikinig
Hindi ka na kinikilig

O kay bilis ng takbo ng panahon
Walang nananatili sa mga kahapon
Ngumingiti nalang sa mga litratong 'di ko na mababalikan

Kailan mo naramdaman
Na 'di mo na ako mahal?
(Na hindi na "ako" mahal?)
Pano mo nalaman
Na hindi na magtatagal
(At kaya mong pakawalan?)

Kasi paulit-ulit ko naman pinaparamdam
Sa iyo sa puso ko ikaw lamang ang laman
Kailan, saan, at bakit 'di ko man lang alam?
Hindi ko man lang alam
(Hindi ko man lang alam)

Kailan ko malalaman?
Bakit mo papakawalan ang sabi mong walang hanggan?

Kasi paulit-ulit ko naman pinaparamdam
Sa iyo sa puso ko ikaw lamang ang laman
Kailan, saan, at bakit 'di ko man lang alam?
Hindi ko man lang alam
(Hindi ko man lang alam)

Kasi paulit-ulit ko naman pinaparamdam
Sa iyo sa puso ko ikaw lamang ang laman
Kailan, saan, at bakit 'di ko man lang alam?
Hindi ko man lang alam
(Hindi ko man lang alam)

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret