Mhot - Ginto lyrics

Tomas Lynmuel

[Mhot - Ginto lyrics]

Dalawampung taon
Panahon na yata 'to ng pagtitino
Nais ko lang ibahagi ang
Mga bibihira ko lang maikibo
Mga alaalang ginto sa anuman na
Naging kabanata nito
Ang pag-ibig sa bawat ugnayan ang kayamanan
Na siyang naitatabi ko
Simula sa babaeng nagsabi sa akin na dapat
Ay manindigan ako
Katwiran niyang 'wag mong pamamarisan ang
Pang-iiwan ng ama mo maraming salamat sa'yo
Paumanhin na rin kung napaaga ako
'Eto ako't dala ko ang pangaral mo
Karga ang mahal mong apo
Wala mang haligi lubos ang tyaga mo sa akin
Sa paghalili nyo na parating nar'yan lang
Maging sa mga t'yahin
Sa lola at nobya kong nagtiis
Sa'king perwisyong kung susumahin
Ay kasing dami rin ng sakripisyo niyong


Ang pasaway na 'to'y mas unawain
Mga lumaking kasabay
Pinsang-buong naghiwa-hiwalay
Sa ngayong naha hagilap sa mundong
Magulo kung anong ikatitiwasay
Ngunit ang nasa isip ko ay
Marating man ang hindi akalain
Sa paglalakbay, nasa lilingunin pa rin
Ang magagandang tanawin

Mga kababata
Kasa-kasama at mga nakalaro kong kapwa pikon
Maging sa mga nakilala ko sa
Paggawa ng mga maling desisyon
Sa una kong subok
Mga nakitawa at kakuntsabang
Naging saksi ning
Pa-ubo-ubo pa ko sa unang buga at
Pagsusuka ko sa unang inom
Kapuyatan, laging konsumisyon sa mga tanod
Mga kaklaseng kasabay kong umuwi 'pag
Tumatawid do'n sa bakod
Mga katrabahong ka-utangan at
Kapangakuan tuwing sahod
Silang mga kasangga kong sa kalokohan
Nagpapakalan ng apog
Mga kasindihan kong magdamo
Kabilang na ang ilang 'di tumino
Na sa dating halaman lang, nung
Nalasahan na ang kemikal
'di na nagawa pang huminto
Mga alok niyo man ay aking nabigo
Nawa'y ipagpaumanhin ninyo sa halip
Tanawin niyo na pagkasagip ang naging
Kapalit ng pagtanggi ko
At sa ngayon, kamustahan na lang
Napabuti man o mas nalulong
Tanguhan na lang sa mga pagkakataong
Sa daan ay magkakasalubong
Dala ko pa rin ang naranasan ko no'n
Marating man ang 'di akalain
Higit sa destinasyon ay nasa paglingon
Pa rin ang magagandang tanawin

Mga alaalang nasa litrato o mga
Imahe na nasa isip
Balik tanaw kong tinatrato bilang
Mga buhay na panaginip
Na kadalasan kong sinisilip sa
Mga oras na matahimik
Tanging nanatili kong baon sa
Pabago bagong paligid
Marating man ang kaibuturan ng
Mga pangarap mong kinasasabikan
'Wag mong kakalimutan lahat ng nasa
'yong pinagmulang 'di mapapalitan
Dahil ang iyong matututunan kung sakaling
Dumating ka sa kasawian
Wala ka mang mapatunguhan ay
Mayroon ka namang mababalikan

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret