Zjay - Ganyan Talaga (feat. Mhot, Ron Henley, Gat Putch) lyrics

Tomas Lynmuel

Ron Joseph Henley

[Zjay - Ganyan Talaga feat. Mhot, Ron Henley, Gat Putch lyrics]

Alam mo na malupit, eh ba't sumabay ka pa?
Tambak ka nang harapan kahit sumakay ka pa
Mga turo na mali, nako, sinuway ko na
Ikaw na 'yung nakisama, ikaw pa 'yung masama
Ganyan talaga ang buhay,  kakadiri madalas
Kung sino lang 'yung may pera
'yun ang siga sa labas
Kayang-kaya nang bayaran ultimo pati batas
Kaya 'di ko masisi 'yung gumagamit ng dahas
Kasi sa mundo na 'to
Tanggaping walang perpekto
'Wag mong hanapin kasi lahat ay may depekto
Masanay sa tsismis at masasakit na komento
Iwas argumento para lagi lang diretso, bueno
Buwelo lang palagi, pag-atake malakas
Panahon ng ating guro, sa kahon ay lumabas
Sumugod palagi at sa katinuan kumalas
Mag-iwan ka ng marka na
Alam mong walang wakas

Hindi na dapat magyabang kung anong meron ka


Kailangan mo lang magsipag
'wag tignan 'yung iba
Diretso 'to kung tumingin
'wag mong ihahambing
Nag-iisa 'to sa lahat kaya 'di mo mapansin
Hindi na dapat magyabang kung anong meron ka
Kailangan mo lang magsipag
'wag tignan 'yung iba
Diretso 'to kung tumingin
'wag mong ihahambing
Nag-iisa 'to sa lahat kaya 'di mo mapansin

Nakilala do'n sa ligang
Karamihan pinaniniwalaan
Ang intriga't pagsisiwalat ng lihim
Siraan ng dignidad, laro na walang limitasyon
Na para lang sa may abilidad at giting
Handa sa anumang kahihiyang sapitin
Laging binabaon ang dedikasyon at gigil
Kahit iilan na lang din ang nananatiling
Mas nakatingin pa rin sa'ming
Panitikan at sining
Patawad sa'king nanay at babae kong panganay
Pinasok ang tunggaliang pwede kayong madamay
Pakikipagbatuhan sa hindi ko man kaaway
Ang naging pinagkukunan ng mauuwing tinapay
Mga kwentong pawang kahit imbento lamang
Pagalingan mangumbinsi bawat
Engkwentro't laban
Bukod sa sweldo may diskwento
Ang respeto't galang
Sa loob ng trabaho na pwede ang personalan

Hindi na dapat magyabang kung anong meron ka
Kailangan mo lang magsipag
'wag tignan 'yung iba
Diretso 'to kung tumingin
'wag mong ihahambing
Nag-iisa 'to sa lahat kaya 'di mo mapansin
Hindi na dapat magyabang kung anong meron ka
Kailangan mo lang magsipag
'wag tignan 'yung iba
Diretso 'to kung tumingin
'wag mong ihahambing
Nag-iisa 'to sa lahat kaya 'di mo mapansin

Nais ko lang masulyapan kung
Anong nasa tuktok
Kung sa'n matinding kalaban mo daw
Ay ginaw at lungkot
Ngunit 'di ko kinalimutan 'yung
Paanan ng bundok
Kasama mga kababatang kasabayang sumuntok
Kain nang kain, payat, tulog nang tulog
Puyat ipon nang ipon, salat
Parang hindi pa rin sapat
Magdamagang nagsulat baka 'yung
Antas ay maiangat pangalan sa kasaysayan
Magawa ko kayang maitatak
Kaso lang mata nilang lahat
Biglang nagka letter P mukhang 50
50 na kami sa 30 70 mas masarap pa rin
Talagang maging independent, g
Dapat lang sa mga ngiting
Aso na 'to pine-pedigree
Panay papuri, 'kala nila makakaisa
Karayom sa dayamihan, kalam ng tiyan kakaiba
'Pag ang panulat napuno nat
Naglaway na ng tinta
Nagtae na, 'di mo nanaising maalala ko pa

Hindi na dapat magyabang kung anong meron ka
Kailangan mo lang magsipag
'wag tignan 'yung iba
Diretso 'to kung tumingin
'wag mong ihahambing
Nag-iisa 'to sa lahat kaya 'di mo mapansin
Hindi na dapat magyabang kung anong meron ka
Kailangan mo lang magsipag
'wag tignan 'yung iba
Diretso 'to kung tumingin
'wag mong ihahambing
Nag-iisa 'to sa lahat kaya 'di mo mapansin

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret