Munimuni - Bukas Makalawa lyrics

[Munimuni - Bukas Makalawa lyrics]

Madilim ang araw
Ang daan ay tila walang hangganan Kung walang gabay
Kailan kaya makakauwi

Sa búhay na bangungot
Ginapos ang puso't isip
Di makapiglas
Dinggin ang aking tangis

Bukas makalawa, sana bukas makawalá
Sa pasaning binuhat mag-isa
Sana bukas makawalá

Ano ang katotohanan?
Sino ang paniniwalaan?
Anong mapapala
Sa aking hinagpis

Bawat hakbang papalapit
Ay dalawang hakbang papalayo
Paulit-ulit lang pagbubuntong-hininga

Bukas makalawa, sana bukas makawalá
Sa eksenang nakabisa
Sana bukas makawalá

Bawat pasanin
Ilalatag sa iyong paanan
Saliw ng Iyong pag-ibig aking
Aking
Aking sasabayan

Bukas makalawa
Bukas makalawa

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret