Raven - Ngayon Lang ’To lyrics

[Raven - Ngayon Lang ’To lyrics]

(May gusto lang akong sabihin
May gusto lang ding aminin
Ngayon ko lang 'to gagawin kaya kung pwede
Lang sana oras mo'y aking hingin
Hindi naman sa papansin
Talagang may gusto lang sabihin)

Nagsimula kasi 'to no'ng nakilala kita
Unang kita ko pa lamang alam ko
Na iba ka sa kanila
Ibang mga babae hindi 'to magagawa
Natural lang ang galawan
Talagang ako'y nahulog na sa
Kagandahan mong taglay
Mga simpleng bagay dali daling nagkakakulay
Ang sarap mabuhay panaginip ba o tunay?
Nang dahil sayo nagbago ang aking mundo
Tapos ngayon ako ay nagtataka kung
Bakit hanggang sa pagtulog
Naririnig ang tinig mo't
Nagsisilbi kong kumot
Salamat at nakakaiwas sa bangungot at sa
Boses mo na pumapawi ng lungkot
At kahit nakasimangot lalo na pag
Ngumiti, ang mundong dating umiikot
Tumitigil sandali
Ganon ka sakin katindi, natatama ang mali
Ang hirap ay dumadali at tsaka

Mga awitin
Mga himig sa'king isip ay nilalaan sa'yo
(ngayon lang 'to)
Ang aking mga labing may ngiti hanggang
Gabi'y hindi mapigil dahil sa'yo
(ngayon lang 'to)
Ikaw ang laging nasa aking panaginip
Katabi paulit-ulit
Oh ngayon lang 'to (ngayon lang 'to)
Ngayon lang 'to (ngayon lang 'to)

Ngayon lang din nagkagan'to
Nang dahil lamang sa iyo
Hawak ang natatanging susi na ikaw
Pala'ng may-ari at dali mo
Lang nabuksan ang pinto ng
Aking pusong matagal napahinto
Dating tanso na ginawa mo ng ginto
Kahanga hanga, 'di kapani paniwa
'di ko din inaakalang may dalagang tulad mo
(ayy) mula sa dulo ikaw ay tatanawin
Kahit mahaba na ang pila, ikaw ay hihintayin
Ilang taon man ang lumipas
Pangako'y ikaw pa rin
Sulit din sa dulo dahil ako ay gusto mo rin
Hindi kailangan na magmadali
Alam ko rin hindi 'to madali
Sa'yo lang ako kumportable
Sa'yo lang 'to mangyayari at tsaka

Mga awitin
Mga himig sa'king isip ay nilalaan sa'yo
(ngayon lang 'to)
Ang aking labing may ngiti hanggang
Gabi'y hindi mapigil dahil sa'yo
(ngayon lang 'to)
Ikaw ang laging nasa aking panaginip
Katabi paulit-ulit
Oh ngayon lang 'to (ngayon lang 'to)
Ngayon lang 'to (ngayon lang 'to)

Mga awitin
Mga himig sa'kung isip ay nilalaan sa'yo
(ngayon lang 'to)
Ang aking labing may ngiti hanggang
Gabi'y hindi mapigil dahil sa'yo
(ngayon lang 'to)
Ikaw ang laging nasa aking panaginip
Katabi paulit-ulit
Oh ngayon lang 'to (ngayon lang 'to)
Ngayon lang 'to (ngayon lang 'to)
(La, la, la)

Ngayon lang 'to (ngayon lang 'to)
Ngayon lang 'to (ngayon lang 'to)

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret