Sam Concepcion, Quest, Tippy Dos Santos - Dati lyrics

[Sam Concepcion, Quest, Tippy Dos Santos - Dati lyrics]

Dati rati sabay pa nating
Pinangarap ang lahat
Umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat
Naaalala ko pa noon, nag-aagawan ng Nintendo
Kay sarap namang mabalikan ang ating kwento
Lagi lagi ka sa amin dumidiretso pag-uwi
Maglalaro ng tao taong piso-pisong nabili
Umaawit ng theme song na sabay kinabisa
Kay sarap namang mabalikan ang alaala

Ikaw ang kasama buhat noon
Ikaw ang pangarap hanggang ngayon

'Di ba't ikaw nga 'yung reyna
At ako ang iyong hari?
Ako 'yung prinsesang sagip mo palagi
Ngunit ngayo'y marami ng nabago't nangyari
Ngunit 'di ang pagtingin
Na gaya pa rin ng da ra rat da dati
Da ra rat da dati, da ra rat da dati
Na gaya pa rin ng

Dati rati ay palaging sabay na mag siesta
At sabay rin gigising ng alas kwatro y medya
Oh, sabay manonood ng paboritong programa
Oh, kay tamis naman mabalikan ang alaala

'Di ba't ikaw nga 'yung reyna
At ako ang iyong hari?
Ako 'yung prinsesang sagip mo palagi
Ngunit ngayo'y marami ng nabago't nangyari
Ngunit 'di ang pagtingin na gaya pa rin ng

Yeah, dati rati ay naglalaro
Pa ng bahay bahayan
Gamit-gamit ang mantel na tinatali sa kawayan
At pawang magkakalaban 'pag nagtataya tayaan
Pero 'singtamis ng kendi
'pag nagkakasal-kasalan
'Di ba dati ay nagkukunwaring
Marvin at Jolina?
Minsan ay tambalang Mylene at Bojo Molina
Ang sarap sigurong balikan ng mga alaala
Lalo na't kung magkayap mga
Bata't magkasama at

Parang Julio't Julia, lagi tayong magkasama
Sabay tayong umiiyak 'pag inaapi si Sarah
Una kang kinakatok sa pagsapit ng umaga
Sana mabalik pa dati nating pagsasama, ah ah

'Di ba't ikaw nga 'yung reyna
At ako ang iyong hari?
Ako 'yung prinsesang sagip mo palagi
Ngunit ngayo'y malayo ka't malabong mangyari
Ang aking pagtingin, oh
Ibulong na lang sa hangin
Pangarap na lang din na gaya pa rin
Ng da ra rat da dati
Da ra rat da dati, da ra rat da dati
Na gaya pa rin ng
Da ra rat da dati, da ra rat da dati
Da ra rat da dati na gaya pa rin ng
Ng dati

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret