Sarah Geronimo - Duyan lyrics

[Sarah Geronimo - Duyan lyrics]

Ooo, ooh, yeah

Parang may ulap sa'king mga paa
T'wing mumulat aking mga mata't
Mamasdan ang 'yong pagkahimbing
Ang iyong paghingang kay lambing
At paggising ay maghawak kamay
Yumakap ka't tayo'y sumayaw kasabay
Ng ritmo, kumpas at pintig
Ng tugtog dito sa 'king dibdib

Ako ay iduyan mo ang bisig mo'y unan ko
Dahan dahang kumakampay habang nakadantay
Magkayakap sa bawat imbay ako ay iduyan mo
Ikaw ang kanlungan ko
Wala na 'kong nanaisin pa
Kundi ang makapiling ka
At umugoy sabay sa indayog ng duyan mo

Parang musika ang naririnig
T'wing "mahal kita'y" mamumutawi
Sa iyong bibig
Pabulong mo pang sinasambit (Sinasambit)
Tila bumabagal ang bawat saglit
Naka-ilang hiling na rin sa tuwing
Darating ang dumadalaw na bulalakaw
Kung maaari bang dumating ang
Tulad mo't magmistulang araw
At magbigay ng sigla
Ngayon sa buhay ko'y nariyan ka na

Ako ay iduyan mo ang bisig mo'y unan ko
Dahan dahang kumakampay habang nakadantay
Magkayakap sa bawat imbay ako ay iduyan mo
Ikaw ang kanlungan ko
Wala na 'kong nanaisin pa
Kundi ang makapiling ka
At umugoy sabay sa indayog ng duyan mo

Pakiramdam ay langit
Iingatan ko hanggang sa kahit
Tayo'y tumanda na at lumipas
Na pag-ibig ay niningas pa
Ngayon at kailan pa man

Du-ru-du-du-du, du-ru-du oh oh, oh

Ako ay iduyan mo ang bisig mo'y unan ko
Dahan dahang kumakampay habang nakadantay
Magkayakap sa bawat imbay ako ay iduyan mo
Ikaw ang kanlungan ko
Wala na 'kong nanaisin pa
Kundi ang makapiling ka
At umugoy sabay sa indayog ng duyan mo, oh
Oh

Oh, duyan mo, oh

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret