Seth Ursolino, Mikee Garcia - Pluma V.2.0 lyrics
[Seth Ursolino, Mikee Garcia - Pluma V.2.0 lyrics]
Wala na ang init, ng pag-ibig?
Kupas na pahiwatig
Ng iyong mga tingin labis ko na pagtingin
Doon sa aking pagiisip
Sinubukan kong ika'y manatili
Gamit ang pluma ay ginuhit ang lugar ng
Ating pangarap na di na maaaring matupad
Nakatitig sa ulap at buwan
Ngunit hindi parin nasisilayang
Muli ang mga matang magpapaalam
Patuloy umagos ang damdamin
Umaasang ikaw parin
Hanggang sayo ko na marinig
Pagod ka na sa akin?
Sa aking mga halik nais madama ulit
Doon sa aking pagiisip
Sinubukan kong ikay mapasakin ulit
Gamit ang pluma ay sinulat ang masakit na
Ala-alang hindi na maaaring balikan
Naubos na lamang ang papel
Ngunit hindi parin gumagaling
Ang mga sandaling kapiling kita
Mahal, kakapitan ang kamay at lilibutin
Ang mga lugar kung saan
Pinangarap nating puntahan at magtagal
At kinabukasan ay tingnan
Bilhin ang mga bagay at
Pagkain na ating paborito, humarap sa altar
Bitawan ang mga pangako na sana'y di mapako
Hanggang dulo
Ikaw at ako ay bubuo ng pamilya natin
Aalagaan ang mga supling na kaloob sa atin
Mahal, 'di na bibitawan pa ang kamay
Di ba't ang sarap ng ganitong pakiramdam?
Ngunit ang sakit dahil kabaliktaran na lang
Na ang lahat ng ito ay
Tanging sa pahina na lang
Isusulat gamit ang pluma at palalayain ka na
Na kahit gusto pang manatili sa ating dalawa
Sa mga pangako't pangarap
Na binuong magkasama ay wala
Wala na ring saysay pa dahil wakas na
At huwag ng isumbat kung saan
At sino ang nagkulang ang alam ko lang mahal
Kita kaya papalayain na
Mali, palalayain ko na ang sarili
Sa alaala nating dalawa
Paalam hanggang sa susunod na
Pagsulat sa pluma
Palayain at sumama ka kung saan ka sasaya
Haharapin ang bukas na ikay wala na
Tatangayin ng hangin itong mga talata
Mga gunitang pagkakataon na ika'y
Kapiling ko noon
Wala na ang lambing kailangan kong kayaning
Matulog na ang pusong handa ka nang limutin