Shanti Dope, Flow G - Kamusta lyrics

Flow G [Archie Basilio Dela Cruz] Philippines

[Shanti Dope, Flow G - Kamusta lyrics]

Kamusta ka sana ayos lang
Lagi lang akong nandyan
Kaso lang ang damot ng bibig
Para san pa kung handa kong makinig
Pag gipit kung sa sarili mo masyado kang bilib
Mahihirapan ka lang ng mahihirapan
Kung ipipilit mong wala kang kahinaan
Kadalasan alak pa ang mas pinipili mong sandalan
Di ka masaya nanghihiram ka lang ng tapang
Dama ko na may kinikimkim na hirap ka na rin tiisin
Kaso nasanay kang pinapakita na lahat ay kaya mo rin panisin
Hindi ka takot matulungan kung tutuusin, takot lang na tuksuhin
Kaya di masagot kada tatanungin kung (meron bang nakakubli?)

Meron bang nakakubli sa likod ng 'yong ngiti at kutitap ng iyong mga mata?
Mabigat ba sa dibdib 'pag laging pinipigilang sabihin ang iyong nadarama?
Di mo gustong malaman ng mundo ang kahinaan mo
Kung wala kang malapitan
Pupwede mo akong sabihan

Pero para makuha yung sakin mabuhay ang dami ng kasalanang nagawa
Hindi ko na nga mapagkatiwalaan sarili panong ikaw pa kaya?
Hindi madama yung lungkot o saya nagtataka lang bakit may hininga pa ko
Baka gumaan pa bigat ng dala pag wala, tulad ng kung anong bago
Habang yung katinuan naka kadena sa alak usok at tableta
Sa napalang mapait tatakasan saglit pagbalik ganun paden eksena
Huh
Kulong sa sistema, parang malaya sa laki ng selda
Kulang na nga lang ipako sa krus sa dami nanghudas ng para sa pera
Katulad nilang gusto pa ko masira, kahinaan di ko maipakita
Layo ng gusto ko pa marating na naliligaw din pag walang gasolina
Kanina ay nasa dulo ng bangin
Lason sa hangin sarap damahin
May lubid sa puno sinabit daliri ko saking baril bago kalabitin

Meron bang nakakubli sa likod ng 'yong ngiti at kutitap ng iyong mga mata?
Mabigat ba sa dibdib 'pag laging pinipigilang sabihin ang iyong nadarama?
Di mo gustong malaman ng mundo ang kahinaan mo
Kung wala kang malapitan
Pupwede mo akong sabihan

Buhay nya na hiniram ay kinuha pa nya nang hindi nagpaalam
Sa mga kaibigang nakatawanan, sa dami ng di nya gustong naranasan
Sa mga huling hininga nya na lang inasahan mahanap ang kapayapaan
Hirap manalo pag nasa loob ng isipan ang pinaka naging kalaban
Meron bang dapat sisihin? Paligid? Sarili? Mundong magulo?
Hindi ko alam kung kanino ba dapat ituro yung dulo ng hintuturo
Alam mong hindi ka makakalimutan, hinaharap nagawang talikuran
Kinakausap ka habang nasa likod ng salaming may saradong pintuan

Malapit ka nang bumigay dama ko. wag ka magmadaling maabo
Magkakaasawa ka pa at magkakaanak ka pa hanggang sa magkaapo
Kapag ganitong ganito yung wala ka abot na abot ko kung ba't ka lito
Tadhana ang palabiro, pagsubok ang pampatino
Buhay parang byahe maraming hadlang
Ikaw na bahala kung pano mo sasakyan
Natural lamang na mabigatan, kaya hanapin ang pampagaan
Yan ang paraan, kasama yan, wag mag-alala kung... (meron bang nakakubli)

Meron bang nakakubli sa likod ng 'yong ngiti at kutitap ng iyong mga mata?
Mabigat ba sa dibdib 'pag laging pinipigilang sabihin ang iyong nadarama?
Di mo gustong malaman ng mundo ang kahinaan mo
Kung wala kang malapitan
Pupwede mo akong sabihan

Meron bang nakakubli sa likod ng 'yong ngiti at kutitap ng iyong mga mata?
Mabigat ba sa dibdib 'pag laging pinipigilang sabihin ang iyong nadarama?
Di mo gustong malaman ng mundo ang kahinaan mo
Kung wala kang malapitan
Pupwede mo akong sabihan

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret