Siakol - Bakit Ba lyrics
[Siakol - Bakit Ba lyrics]
Mas okey pang laging gan'to, nalilimutan ka
'Di ko malaman sa 'yo kung ano ang drama mo
Bakit lagi mo na lang sinasaktan ang puso ko?
Tandang tanda ko pa noong tayo'y namamasyal
Napasulyap lang sa iba
Bigla mo na 'kong sinampal
At sa kaseselos mo nga'y lalong minahal kita
Subalit nasaan ka na, sumama sa iba?
Bakit, bakit ba iniwan mong nag-iisa?
Bakit, bakit ba sa akin ba'y nagsawa na?
Sinusunod naman kita, kahit ano kinakaya
Wala pa ring kwenta, bakit ba?
Ano ba ang nakita mo at pinagpalit mo 'ko?
Nakasisiguro ka ba ngayon sa bago mo?
Sana ay mahalin ka n'ya at 'wag kang sasaktan
Kahit 'di na tayo, problema mo'y sabihin lang
Pilit ka mang limutin ay naghihintay pa rin
Nagbabakasakali na muli kang dumating
Bakit ba kay hirap ng kalagayan ko ngayon?
Kaya't sa 'king sarili ay laging nagtatanong
Bakit, bakit ba iniwan mong nag-iisa?
Bakit, bakit ba sa akin ba'y nagsawa na?
Sinusunod naman kita, kahit ano kinakaya
Wala pa ring kwenta, bakit ba?
Bakit, bakit ba iniwan mong nag-iisa?
Bakit, bakit ba sa akin ba'y nagsawa na?
Sinusunod naman kita, kahit ano kinakaya
Wala pa ring kwenta, bakit
Bakit, bakit ba iniwan mong nag-iisa?
Bakit, bakit ba sa akin ba'y nagsawa na?
Sinusunod naman kita, kahit ano kinakaya
Wala pa ring kwenta, bakit ba?