Siakol - Tsismis lyrics

[Siakol - Tsismis lyrics]

Sa tindahan ni Aling kuwan may mga kababaihan
Dalaga may asawa man nagkakaumpukan
Simbolo ba ng pag kakaisa
Tulong tulong sama-sama
Oh dahilan ba ng problema ang
Kapitbahay mong mga tsismosa
Meron na naman bang bago?
Silang hindi naman apektado
Pati buhay ng may buhay
Kanilang kinakalaykay
At pag tingin mo sas kaliwa
Paninira pa rin sa kapwa
Ng mga kalalakihang makakati rin ang dila
Kahit sa tawa’y mamilipit
Tuloy pa rin sa panlalait
Akala mo’y may nakamit mga
Tsismosong dahil sa inggit

Ba’t bibili pa ng d’yaryo
O makikinig sa radyo
Tumambay lang sa bawat kanto
Sari-sari pang sikreto
Buksan maige ang ‘yong tenga at
‘wag kang tatanga tanga
Baka ang topic sa intriga ikaw pala ang bida
Itong si mister at si misis ang
Hari at reyna ng tsismis
Pag mulat pa lang ng mata
Naghahanap na ng kaparis
Mga nagtatalsikang laway sa
Araw-araw hanap buhay
Akala mo’y usapang tunay eh sila
Sila ang dating magkaaway

Akala mo’y mga malilinis
Mga isipang madudungis


Kaya mag ingat ka pag sila’y iyong nakita
Ngumiti kang pang-famas ng di
Ka ma-broadcast bukas

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret