Siakol - Iniwan Mo Akong Nag-Iisa lyrics
[Siakol - Iniwan Mo Akong Nag-Iisa lyrics]
Di ko maintindihan kung bakit nagkagano'n
Iniwan mo akong nag-iisa
Wala akong matanaw kahit isang langaw
Wala akong makausap at walang gumagalaw
Iniwan mo akong nag-iisa
Iniwan mo akong nag-iisa
Dahil lahat ay iyong sinama
Kamag-anak, kapitbahay kaibigan at kaaway
Bakit hindi ka man lang nagtira hah
At bakit ba iniwan mo akong nag-iisa
Aking naalala nung kasama pa kita
Kahit wala sila paligid ay ano'ng saya
Ito na ba ang tinatawag na karma
Ano ang nagawa at nandamay ka pa, sinta
Ba't di na rin dumadaan
Ang tindera ng kutsinta
Na-miss ko rin ang naniningil sa mga utang ko
Iniwan mo akong nag-iisa
Dahil lahat ay iyong sinama
Mga artista, mga pulitiko
Mga botante at kandidato
Bakit hindi ka man lang nagtira hah
At bakit ba iniwan mo akong nag-iisa
Sige na ibalik mo na sila
Kahit sino, kahit huwag ka na
Nang may makausap lang dito
At baka iwanan na rin ako ng malay ko
Iniwan mo akong nag-iisa
Dahil lahat ay iyong sinama
Pati sundalo, pati aktibista
Pati turista at terorista
Bakit hindi ka man lang nagtira hah
At bakit ba iniwan mo akong nag-iisa