Siakol - Kwarto lyrics
[Siakol - Kwarto lyrics]
Sa kwarto kong puno ng usok
Walang problema na kakatok
Dito ang lungkot ay 'di papasok
Lungkot ay 'di papasok
Pinagmamasdan ang mga alaalang
Nahalungkat sa kwarto kong sobra ang kalat
Walang maingay na tatapat
Dito napapanatag ang lahat
Napapanatag ang lahat
Bawal, bawal ang nakasimangot
Dito sa apat na sulok ng aking kwarto
Bawal, bawal ang nakasimangot
Dito sa apat na sulok ng aking kwarto
Nagkukulong sa katahimikang nalalasap
Sa ibang lugar ay 'di mahanap
Walang pag-asa na magaganap
Dito mas masarap mangarap
Mas masarap mangarap
Bawal, bawal ang nakasimangot
Dito sa apat na sulok ng aking kwarto
Bawal, bawal ang nakasimangot
Dito sa apat na sulok ng aking kwarto
Bawal, bawal ang nakasimangot
Dito sa apat na sulok ng aking kwarto
Bawal, bawal ang nakasimangot
Dito sa apat na sulok ng aking kwarto
Sinasariwa ang nakaraang nabubulok
Sa kwarto kong puno ng usok
Walang problema na kakatok
Dito ang lungkot ay 'di papasok
Lungkot ay 'di papasok