The Juans - Kahon lyrics

[The Juans - Kahon lyrics]

Tulungan n'yo ako kung sino mang nand'yan
Nahihirapan na, paulit-ulit na lang
Hindi makahinga, hindi makagalaw
Nawawalan na ng pag-asa

Nanggigigil, 'di malaman anong dulot ng pait
Pinipilit, hinahanap ang sagot sa hinagpis
Iniisip mga dahilan kung bakit ka pinakawalan
Tila ba nasayang lang ang ating mga nasimulan
Gusto kong sumabog kay bigat ng aking puso
Hindi rin makatulog parang ako ay nasusunog
Mga sigaw sa isipan, ayoko nang pakinggan
Sawa na sa nakasanayan
Gusto ko nang kalimutan
Mga bagay na pinagsisisihan
'di na mababalikan
Ayoko nang pag-usapan, wala ring patutunguhan
Nahihirapang bumangon kailan kaya 'ko aahon
Para 'kong nasa kahon na
Kay tagal nang nakakulong

Gulong-gulong gulo
Tulungan n'yo ako
Gulong-gulong gulo

Tulungan n'yo ako kung sino mang nand'yan
Nahihirapan na, paulit-ulit na lang
Hindi makahinga, hindi makagalaw
Nawawalan na ng pag-asa

Tulungan n'yo ako kung sino mang nand'yan
Buksan n'yo ang pinto, nakikiusap lamang
Hindi makahinga, hindi makagalaw
Gusto ko lang namang makawala sa dilim

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret