Various Artists - Awit ng Bagong Taon lyrics

[Various Artists - Awit ng Bagong Taon lyrics]

Dapat bang balikan ang mga
Kaganapan ng taong nagdaan?
Bangayan, banggaan, awayan
Hiwalayan, turuan, duruan
Kawalan ng kabuhayan 'Di pagkakaunawaan
Hanggang saan? (Hanggang saan?)
Hanggang kailan? (Hanggang kailan?)
Ang 'di mo alam may pag-asa na nakalaan
May ilaw na masisilayan
Kung ang paningin lang natin ang papalitan
Gaganda ang sama-sama nating kinabukasan

Bagong pananaw, bagong pagsulong
Bagong panimula, bagong pagbangon
Bagong handog sa atin ng Panginoon
(Panginoon) bagong pagkakataon, bagong taon

Woahhh, woahhh woahhh, woahhh

Sana'y pagbibigayan at kapatawaran
Ang siyang maghari sa 'ting bayan
Kung ang hanapin natin sa mundo'y kabutihan
Magandang bukas ang ating maaasahan
Ang bawat isa sa 'tin ay may kagandahan
Kung bubuksan lang ang puso't isipan
Magpasalamat sa mga aral nating natutuhan
(Natutuhan)
Mukhang may pagbabagong tunay na masaksihan

Bagong pananaw, bagong pagsulong
Bagong panimula, bagong pagbangon
Bagong handog sa atin ng Panginoon
Bagong pagkakataon, bagong taon

Buong mga kapatid
'wag na po sana tayo magsisihan
('Wag magsisihan)
Tulungan, damayan, alalayan, pagbibigayan
(Pagbibigayan) tunay na pagmamahalan
(Pagmamahalan) ang ating
Kailangan (Kailangan)
Saan pa man, kailan pa man

Bagong pananaw, bagong pagsulong
Bagong panimula, bagong pagbangon
Bagong handog sa atin ng Panginoon
Bagong pagkakataon, bagong taon
Bagong pananaw, bagong pagsulong
Bagong panimula, bagong pagbangon
(Bagong pagbangon)
Bagong handog sa atin ng Panginoon
Bagong pagkakataon, bagong taon

Bagong pagkakataon (Wooaahhh, wooaahh)
Bagong taon (Wooaahhh, wooaahh)
Bagong taon (Wooaahhh, wooaahh)
Bagong taon (Wooaahhh, wooaahh)
Bagong taon

Bagong pagkakataon, bagong taon

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret