Zephanie, Ebe Dancel - Bawat Daan lyrics

Zephanie Dimaranan

[Zephanie, Ebe Dancel - Bawat Daan lyrics]

Sa pagkumpas ng iyong kamay
Aking landas, ginagabay
Nag-iisang tiyak sa isang libong duda
Silong sa iyak at pagluluksa

Kung puso ko ay imamapa
Ikaw ang dulo, gitna't simula
Nahanap din kita
Nahanap din kita

Ohhh
Maligaw man
At mawala
At umikot man
Sa kawalan
Sa bawat kailan
Sino't saan
Ikaw lamang ang
Kasagutan
Bawat kanan
At kaliwa
Kung timog man
O hilaga
Ang bawat... daan ko
Ay patungo (ay patungo)
Ay pabalik (ay pabalik)
Sa 'yo

Kay tagal ng lumulutang
Walang pupuntahan, walang dahilan
Parang ulap na, walang dalang ulan
Kamang walang kumot at unan

Bihag ako ng pagtataka
May saysay ba ang paglalakbay
Ngunit
Nahanap din kita (Kay tagal kong naghintay)
Nahanap kita (Kay tagal kong naghintay)

Ohhh
Maligaw man
At mawala
O umikot man
Sa kawalan
Dahil sa bawat kailan
Sino't saan
Ikaw lamang ang kasagutan

Bawat kanan
(Kay tagal kong naghintay) at kaliwa
Kung timog man
(Kay tagal kong naghintay) o hilaga
Ang bawat (Kay tagal kong naghintay) daan ko
Ay patungo (Kay tagal kong naghintay)
Ay pabalik (Ay pabalik)
Sa 'yo
(Kay tagal kong naghintay)
Sa iyo
(Kay tagal kong naghintay)
Ooh ohh

Kung ang puso ko ay imamapa
Ikaw ang dulo, ang gitna't simula
Ikaw
Ikaw

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret