Apekz, Aya of Project Pinas - Arangkada lyrics

APEKZ [Mark Anthony Cadiente]

Aya of Project Pinas

[Apekz, Aya of Project Pinas - Arangkada lyrics]

Wag mo pilitin na isipin na walang pag-asa
Pagkat meron pa yan
Tingnan mo yung karamihan na meron pasan
Daig pa ang kuba pero di nagpapahalata
Sila pang magtatanong kung nakakain ka na
Namamagang mga mata mga hitang pata pata
Pakiramdam mo ba ay meron kadena sa paa
Dahil sa bossing mong panot
Masungit at lobo ang tyan
Naku kung ako sayo tatawanan ko lang yan
Dahil alam mo naman ang pagsubok
Dadaanan mo yan para mahubog
Wala namang mali sa pagsugod
Kung walang pinapalampas wag kang matulog
At kung sakaling mahulog tandaan
Na meron sasalo
Pangarap ay matatamo ito ang arangkada mo
Hindi uso ang bakasyon kahit araw ng sabado
Walang hintuan mapagod man o hatakin ka
Ngayon ng kama mo tara

Bilisan arangkada wala munang papara
Kahit na madapa ka huwag isiping wala na
Basta’t tandaan lang na lagi kang may kasama
Pagpatuloy ang martsa bilisan arangkada
Bilisan mo lang

Di lamang ikaw ang may problema- marami
Ang payo ko sa iyo ugaling tsinelas palagi
Problema sa pera problema sa renta
Problema sa pag-ibig ganyan talaga
Oras-oras napapaisip at napapatitig sa
Salamin - nanahimik
Tinitigan mo sya at bigla kang napahirit
Magaling ka kumanta bakit hindi ibirit
Todo bigay at halos mapatid ang litid
Papadaig ka ba sa utak na makitid
Eh ano sa kanila kung bigla kang tumirik
Maraming kokontra natural ang mabwisit
Ang mamato ng bunga dyan sila mahilig
Nagkalat ang ganyang uri ng tao sa paligid
Pero salamat na rin kaya ako lageng mainit
Hanapin ang sagot bawal ang sirit
Magagawa mo rin ang kaya
Mong gawin sa panaginip

Bilisan arangkada wala munang papara
Kahit na madapa ka huwag isiping wala na
Basta’t tandaan lang na lagi kang may kasama
Pagpatuloy ang martsa bilisan arangkada
Bilisan mo lang

Alam mo ba na nagsimula
Lang din ako sa kalye
Hindi pa swabe, kabado pa date
Pasmado pa pare
Madalas na sermonan pero ganado palage
Ok lang pagsabayin basta pasado sa klase

Yan ang sabe alam ko na mahirap yun gawin
Pero ako si makulit kaya tinutuloy pa rin
Derederetso na kapag meron inayang dumating
Inaraw-araw dahil nagbakasakaling gumaling

Lahat ng bumangga dapat ay bulagta
Umabot pa nga sa punto na naging sugal na
Yun nga lang paano na lang
Kaya pag ako’y gurang na
Nung maisip ko yon parang ayaw kong tumanda

Kaso hindi naman pwede na ganon
Kasi nga mas mabilis pa kay
Lydia tong takbo ng panahon
Bago pa mapunta don susulitin ko na muna
Dahil ang lalakarin ko ay
Sadyang malayo layo pa

Bilisan arangkada wala munang papara
Kahit na madapa ka huwag isiping wala na
Basta’t tandaan lang na lagi kang may kasama
Pagpatuloy ang martsa bilisan arangkada
Bilisan mo lang

Bilisan arangkada wala munang papara
Kahit na madapa ka huwag isiping wala na
Basta’t tandaan lang na lagi kang may kasama
Pagpatuloy ang martsa bilisan arangkada
Bilisan mo lang

At kung sakaling mahulog
Tandaan na meron sasalo
Pangarap ay matatamo ito ang arangkada mo
Bilisan mo lang

At kung sakaling mahulog
Tandaan na meron sasalo
Pangarap ay matatamo ito ang arangkada mo
Bilisan mo lang

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret