Apekz - AsaKaBwoii lyrics

APEKZ [Mark Anthony Cadiente]

[Apekz - AsaKaBwoii lyrics]

Everybody chillin' when I'm feelin' weak
I'm just tryna find a box
To put my feelin' in
Tone and mode to the beat
I guess we're killin' it, killin' it
Can a hero give a little love?
Without you in this block
Tryna find a word for my passion
For this music in my end
I guess I call it love

Yo, 'di nila inaasahan na
Tatagal nang ganito, ah
'Di huminto o nangalay parang
Mga kamay ng relo
Walang inaasahan, nakakapit sa pinanghawakan
Sumaludo parang kapitan para
Sa isang kapita-pitagan

Valenzuela boy, hell, yeah
Tabalado mga peste
Mga tunay lamang ang pwede
Sa sirkulo walang peke
Sa harap, sa likod ng lente
Natural parang amat ko 'pag nasa ere
Hilahan pataas 'to syempre, uh

Maraming pumupusta na ako ang matutusta
Pero, sino ang naubos sa bumuga ng apoy
Sunog laman ng mga bulsa?
Sinalo ang mga kutsa
Pero 'binalik ko sa kanilang mukha
Nilubog, binaon, pumalag
At muling umangat na parang isang punla

Araw-araw ko lang sinipagan
Naaning sa'king mga binitawan
Mga nasiraan ng bait kasi 'di
Matibag nung ako ay siniraan
'Di pinanghinaan
Lalo pang ginaganahan kapag pinipilit
Nila na tapakan
Iba't iba ang uri ng kasikatan
Nabilad 'to kaya 'to ginagalang
May napatunayan

'Di umasa sa tsamba, sa krus o kara
O bahala na si Bathala
O tadhana, tyinaga ng batang taga-kwadra
Hanggang hahinog ang bunga nakapwesto
Malabo nang mapahinto pa
Kaya manawa ka sa it'sura hanggang
Sa 'di mo na masikmura

Parang baliw kapag mag-isa
Musika lang ang nagpapatino
Minsan nakakabanas dahil nga ang
Tadhana palagi ay palabiro
Pero maraming hinugot na aral, diskarte
Istilo sa pagkabigo
Ngayon, kahit na mismong may ayaw sa
Akin nakaabang sa mga gagawin ko

Sa gera laging handa na
Sa aking kamay ang bandana
'Kababa na ang balaclava
Natutunan ka sa kalsada 'Yung iba may tira
Habang 'yung iba naman mayro'n lang kargada
Nagmistulang tingga 'yung tinta nung
Sinalinan na sa papel, nagbabaga

Na parang ganja, mapapalubog mo 'ko? Asa
Matalo mo 'ko may tyansa
Pero babalik parang karma
Sipag ko mala-Mamba, palaging ganado
Alam 'yan ng masa
Kaya nga ako masagana, ngayon
Sino'ng huling nakatawa, haha

'Di ako nagmadali
Kinuha muna rеspeto bago salapi
Nung nawalan ng paki
Mayro'n pala tayong sariling tama't mali
At kahit pa lumamig, handa
Akong magmasid, magkulong, at bumalik
Nang walang patid
Laging sabik na sa bagong lebel pumanhik
Madulas man o matalisod pa
Dahil sa balansе matagal maitumba
Tinanim, nagkabunga, at naipon na
Ngayon na ang panahon para malikom, ah
Mga bibig ay napatikom
Bumubukas lang 'pag nakatalikod
Galit sila, 'di na nila mabilog
Lipad ay matayog habang nasa Kinton Cloud
Nung unang pumasok agad nambulabog at
Upang umabot papuntang tugatog
Nahulog, bumangon, naubos 'yung
Takot, nawalan din, kalaunan humakot
Kahit matandain, limot ko 'yung pagod
Piniga 'yung ulo para mag-ingay
Parang bao kaya sulit 'yung kayod
Mulat na at 'di nangangapa
Hanggang madadala 'di madadala
Tatatak sa isip ng mga madla, pamana, na
Nagbunga sa pagkadapa
Nakahanda, lagi lang nakakasa
Nakamarka dahil may pagmamahal
Kaya naman, kung sa tingin mo
'di na 'to magtatagal o mawawala asa ka, boy

Everybody chillin' when I'm feelin' weak
I'm just tryna find a box
To put my feelin' in
Tone and mode to the beat
I guess we're killin' it, killin' it
Can a hero give a little love?
Without you in this block
Tryna find a word for my passion
For this music in my end
I guess I call it love, love

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret