Apekz, John Roa - Tugatog lyrics

APEKZ [Mark Anthony Cadiente]

John Neil Torrente Roa

[Apekz, John Roa - Tugatog lyrics]

Ga'no man katindi ang dagok, hindi matatakot
Lipad ko ay mananatiling matayog
'Di mapapagod bumangon, miski madapa
Nagsimula sa baba, papunta ng tugatog

Woah-oh, oh, oh, oh, oh, oh
Papunta ng tugatog
Woah-oh, oh, oh, oh, oh, oh
Papunta ng tugatog

Nagsimula sa baba na parang binhi
Aabot do'n sa tugatog, mangatog man ang binti
Manggugulat sabay sabing 'di lang
Kayo 'yung matindi
Ako'y dinamitang 'di nila nakitang nakasindi
Nag-aalab at nagbabaga
Hingang malalim at ibuga ang kaba
Kasabay ng gabay ng mantra
Nangangatal sa sabik
Nakahanda na ako ang bahala
Na ihagis ang sandata
Sa mata ng dambuhala at gagawin ang imposible
Walang pagsisi sa huli kasi alam
Kong hindi 'to simple
Dadaan ka sa proseso, dapat mo lang tanggapin
Dahil ang gustong lumaktaw
Malalaglag do'n sa bangin
Nangangapa pa sa dapat na hakbangan
Nagkalat ang mga patibong at
Hindi patag ang daan
Ang dami nagsabi sa'kin "Hanggang
D'yan ka na lang"
Asa pa na tantanan hanggang taas masampahan

Ga'no man katindi ang dagok, hindi matatakot
Lipad ko ay mananatiling matayog
'Di mapapagod bumangon, miski madapa
Nagsimula sa baba, papunta ng tugatog

Woah-oh, oh, oh, oh, oh, oh
Papunta ng tugatog
Woah-oh, oh, oh, oh, oh, oh
Papunta ng tugatog

Maha hati ang daanan
Pipili sa kaliwa't kanan
Isang maling galaw, mawawala ang pinaghirapan
'Di lang isa kundi marami
Ang malaking nakaharang
Matagal mo nang inaasahan pero
Minsan 'di maiwasan na magapi
Maranasan masawi at iisipin mo
Sa'n ka ba nagkamali
'Di mo na alam ang gagawin
Kasi ginawa mo na lahat
Tinaya at nilapag ubos pati sukli
Ngayon wala nang masalat
At sa pagbasak una ang aking mukha
Nalaglag pa nang mas mababa
Kung sa'n nagsimula
Namanhid ba ang lahat kasi
Lagi kong hinuhusayan
O 'yung akala ko na gutom
Hindi na pala natutunawan
Gusto kong malaman
Alam ko naman na 'di maghihintay
Sa wala sapagkat ang hiling ko noon
Matagal sa'kin naibigay
Ang mga plano at tadhana na hindi nagsasabay
Baka sakaling tumugma kapag sa
Rima ko inilagay

Ga'no man katindi ang dagok, hindi matatakot
Lipad ko ay mananatiling matayog
'Di mapapagod bumangon, miski madapa
Nagsimula sa baba, papunta ng tugatog

Woah-oh, oh, oh, oh, oh, oh
Papunta ng tugatog
Woah-oh, oh, oh, oh, oh, oh
Papunta ng tugatog

Ididiretso ko meron man o walang kakampi
Handang tiisin miski gaano kahapdi
Kahit na hilahin ay hindi malalansi
Nadala na kaya ang dala ko ngayon tangke
Aabante meron o walang kakampi
Handang tiisin miski gaano kahapdi
Kahit na hilahin ay hindi malalansi
Dahil ang husay ko ngayon
'di na kayang itanggi

Sa tigas ng ulo, 'di susuko
'Pagkat sinunog na 'yung puti na twalya
Parang pinasahan ng enerhiya
Bigla ni Jeremiah
Mapuputikan at uuwi kang lamog, nanggigitata
Naging biyaya ang mga peklat
Na magsisilbing medalya
Walang kailangan na patunayan
Walang kalaban dapat talunin
Hindi maiiwanan, walang nakaraan na hahabulin
Kung magbabalik man sa umpisa
Isa lang ang babaguhin
Pupunta 'ko ulit sa tuktok at
Mas mabilis kong tatapusin

Ga'no man katindi ang dagok, hindi matatakot
Lipad ko ay mananatiling matayog
'Di mapapagod bumangon, miski madapa
Nagsimula sa baba, papunta ng tugatog
Ga'no man katindi ang dagok, hindi matatakot
Lipad ko ay mananatiling matayog
'Di mapapagod bumangon, miski madapa
Nagsimula sa baba, papunta ng tugatog

Papunta ng tugatog papunta ng tugatog

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret