Bayang Barrios - Mekaniko Ng Makina Ko lyrics

[Bayang Barrios - Mekaniko Ng Makina Ko lyrics]

Lubak-lubak ang kalsada tungong ligaya
Palyado pa ang tibok ng makina
Pupugak-pugak ang takbo ng isip ko
Atras-abante, mano tulak sa tabi

Ikaw ang tanging mekaniko
Mekaniko ng makina ko
Kailangan ko ang tulong mo
Hirap ang puso kong nababato

Tagtag tagtag
Tagtag tagtag tagtag
Malalaglag na ang puso kong bihag
Wala ka bang konting habag
Sa tagahanga mong nabubulag

Ikaw ang tanging mekaniko
Mekaniko na makina ko
Mekanikuhin mo na ang makina ko
Hirap ang puso kong nababato

Nabuang na, nabuang na ako
Remedyo ko'y kahit na sulyap mo
Sige na bay, baka ako ay mamatay
Ayusin mo ang tibok ng puso ko

Ikaw ang tanging mekaniko
Mekaniko ng makina ko
Mekanikuhin mo na ang makina ko
Hirap ang puso kong nababato

Ikaw ang aking mekaniko
Mekaniko ng makina ko
Ikaw ang tanging mekaniko ng makina ko
Mekaniko manika ko (Ay mali)
Mali-mali na ang dila ko
Lumuluwag na ang tornilyo ko

(Ay ano ba yan)
(Mekaniko dalian mo na)
(Nahuhulog na ang puso ko)
(Dali na ano ba)

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret