Dilaw - 3019 lyrics

[Dilaw - 3019 lyrics]

Kahit nakapikit mata, naririnig kita
Kahit nakatakip tainga, nakikita kita
Hindi ako perpekto katulad ng iba
Pero kahit naka

Pinapaikot ng mga lumot
'yung mga utak kinukurakot
'Pag hindi ka natakot Ika'y isasapot
Gobyerno ang surot, bansa ating kumot

Puro dada, wala sa gawa
Sige ngiti, 'di nakakatuwa
Mga puro pangako, lahat butata
Ubos na pasensya naming madla

Kumakalam na 'yung mga sikmura
Biglang papasok oportunista
Kakalimutan ka para sa pera
Pakikisama, 'yan ang binebenta

Didiretso ka pa ba sa ating liku-likong sistema


O sasama ka sa akin puksain ang epidemya?

Na lumaganap, nagpahirap sa mahirap
Tumatapos ng pangarap, 'di na mahagilap 'yung mga ulap
Habang tayo'y naghihirap, sila, sige sa pagkalap
Ng yaman na dapat panglingap sa ating mahihirap

Hindi ko nilalahat
Hindi lahat nagkakalat
Sa dami ng hayop sa gubat, alam ko hindi lahat nangangagat
Silipin mo sa daksipat, makikita sinong tapat
Hindi sapat ang iyong mata, 'pagkat hindi kapa mulat

Kahit nakapikit mata, naririnig kita
Kahit nakatakip tainga, nkikita kita
Hindi ako perpekto katulad ng iba
Pero kahit nakapikit mata, naririnig kita

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret