Dilaw - Sansinukob lyrics

[Dilaw - Sansinukob lyrics]

Madilim ang salamin
Nagtatagong mga bituin
Sa likod ng ulap at 'di ko maamin
Nakasimangot ang buwan
Sumisinag, maliwanag
Tila bakit ’di ko ramdam?

'Di ko maintindihan

Sana'y nakikita ng ’yong mata, sinta
Kung sa'n sinubukan ko
Kung sa'n sinukuan ko

Pundido na ang sikat ng araw
Nakakabulag sa paningin
Nananatiling takipsilim
Naghihintay sa langit
Mga hiling 'di na tanaw
Bilang na ba'ng mga bulalakaw?

'Di ko maintindihan



Sana'y nakikita, ng 'yong mata, sinta
Kung sa’n sinubukan ko
Kung sa’n sinukuan ko
Sana'y naririnig, mula sa daigdig
Langit ba talaga ang siyang magpapasya?

Sansinukob, sa’n susuko?
Sansinukob, sa'n susuko?

Ang bawat apak at bakas
Mga tinahak na landas
Lumihis ba ang daan?
O sadyang 'di lang tinadhana?

Ang bawat apak at bakas
Mga tinahak na landas
Lumihis ba ang daan?
O sadyang 'di lang tinadhana?

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret