Flow G, Gloc-9 - Bahay Yugyugan lyrics
Flow G [Archie Basilio Dela Cruz] Alabang, Muntinlupa, Philippines 🇵🇭
Gloc-9 [Aristotle Pollisco] Binangonan, Rizal, Philippines 🇵🇭
[Flow G, Gloc-9 - Bahay Yugyugan lyrics]
Katawan ay igalaw, sige, sumayaw ka
Lapit, lapit, lapit lakasan ang hawak
Higpitan ang kapit
Nandito ulit kaming dalawa
Sabihin mo sa'kin, handa ka na ba?
Halika, tuloy ka dito sa
Pinakamasayang lugar na bawal ang problema
Dito sa bahay yugyugan
Igalaw, igalaw, igalaw mo lang
Mula ulo hanggang paa balik sa balakang
Igalaw, igalaw, igalaw, igalaw mo lang
Igalaw, igalaw, igalaw mo lang
Mula ulo hanggang paa balik sa balakang
Ako nga pala si Gloc-9
Kung malamig ang panahon ay
Mag-init ka ng tubig
Maligo nang mabuti kahit laging may palugit
Suklayin mo nang maayos dapat
Diretso ang guhit
Parang dinilaan ng bakang naka-suga sa bukid
Ilabas ang bagong biling maong at sumbrero
At kamiseta na pinag-ipunan mo sa suweldo
Sabit sa jeep kahit marunong akong magmaneho
Magkakaroon din ako ng aking sarili kong auto
Bente-bente ang laman ng aking pitaka
Pangarap palaging hawak hindi maling akala
Dadamputin lahat ng pagkakataon sa gala
'Di baling kawawa ako ang bahala sa tiwala
Kahit pa hiniram lamang ang
Sapatos ko sa tropa
Minsan lang kasi maging malupit ang porma
Pero sa tugmaan ako ay palaging kota
Kumpletos ricados parang bagong
Luto na tinola
Kaya sige samahan niyo kami dito sa lugar
Tugtugan walang hangganan
Pagmamahalan at tipar
Kalimutan ang problema malungkot ay illegal
Tabunan parang lahar sabay tayong umandar
Halika (Dito sa'min ay palagi mong madidinig)
Tuloy ka
(Mga tugtugan sa kalsada nakakabilib)
Dito sa (Mata sa itaas mga paa sa sahig)
Pinaka (Kahit na walang kutson ay sanay sa banig)
Masayang (Ang nasa baba kayang tumaas)
Lugar na (Ang naka sara pwedeng bumukas)
Bawal ang
(Bagong tugtugin na maangas ng konti)
Problema (Kasi heto na naman si Gloc-9 at Flow G)
Dito sa bahay yugyugan
Igalaw, igalaw, igalaw mo lang
Mula ulo hanggang paa balik sa balakang
Igalaw, igalaw, igalaw, igalaw mo lang
Dito sa bahay yugyugan
Igalaw, igalaw, igalaw mo lang
Mula ulo hanggang paa balik sa balakang
Igalaw, igalaw, igalaw, igalaw mo lang
Dumating na si Flow G
'di maarte kahit dati pa
Kumbaga sa makina, krudo lang ang ikarga
Babyahe na minsan 'yung dala dala ko
Saktong pamasahe lang
Kulang-kulang pero nagagawa ko
Pang diskartehan
'Di bale nang magutom basta maka party lang
Kahit 'yung ibang suot ko galing sa hiram
Swabe lang kasi lagi laging happy happy lang
Dito 'di ka para mailang, pwede makisama
Tara makisali
'Di ka mananawa kahit gan'to lagi
Sa bahay yugyugan masaya kang uuwi
Iba-ibang tugtugan do'n palang alam
Mong 'di ka lugi tenga mo bubusugin sa music
Tapos 'pag gusto mo pang masulit
Gumalaw, gumalaw, gumalaw ka lang
Wala ka ring mapapala kung
Tutunganga ka ngayon
Ano pa ba'ng inaantay mo, 'lika na
Pwede kahit mag-imbita ka nang iba pa
Sumama kung sasama sigurado na mapapaindak
Sa bagong awit na kasama si Gloc
Halika (Dito sa'min ay palagi mong madidinig)
Tuloy ka
(Mga tugtugan sa kalsada nakakabilib)
Dito sa (Mata sa itaas mga paa sa sahig)
Pinaka (Kahit na walang kutson ay sanay sa banig)
Masayang (Ang nasa baba kayang tumaas)
Lugar na (Ang naka sara pwedeng bumukas)
Bawal ang
(Bagong tugtugin na maangas ng konti)
Problema (Kasi heto na naman si Gloc-9 at Flow G)
Dito sa bahay yugyugan
Igalaw, igalaw, igalaw mo lang
Mula ulo hanggang paa balik sa balakang
Igalaw, igalaw, igalaw, igalaw mo lang
Dito sa bahay yugyugan
Igalaw, igalaw, igalaw mo lang
Mula ulo hanggang paa balik sa balakang
Igalaw, igalaw, igalaw, igalaw mo lang