Flow G - Batugan lyrics

Flow G

Flow G [Archie Basilio Dela Cruz] Alabang, Muntinlupa, Philippines 🇵🇭

[Flow G - Batugan lyrics]

Flip D on the beat

Ang sipag magtututulog kaya pitaka puyat
Imbis magbanat ng buto nag-unat ng butong
May kasamang hikab, gano'n katamad
Sa bayabasan ka magaling
Mag-abang na malalaglag
At magtataka ka pa kapag sa bulsa
Mo wala ka na nakakapkap (Clap, clap, clap)
Ang hilig mo sa teka muna
Kaya imbis salapi ang nakuha mo muta
Punto ko sana makuha na baka sa
Kakahiga mo ay d'yan ka makuba
Anong misyon mo sa lupa?
Magpatigas ng batuta?
Paramihin ang populasyon, ganyan ba talaga
'Pag walang ambisyong mataas 'di nalulula
Buti pa tupa, napapastol, ikaw puro angas
Tol halatang nagpapanggap
'pag nasa labas ng door (Sa labas)
Iba-ibang palabas kaya madalas mag mall


Akala mo lang nakahabol ka na
Pero 'di ka pa nakaka-score

'Di lang pala 'yung tulog
'yung pwedeng may mapanaginipan (G-gising)
'Di rin pwede na lahat ng
Gusto idaan sa hilingan (Hindi pupwede)
'Pag may nahiligan, 'di madalian
'di madali 'yan (Hindi madali)
Ba't 'di pag-igihan
Sige ika'y magpursigi kasi 'di pa huli

Pero sa'yo 'yan naka dipende
'di 'yung nakabase ka sa swerte
'Di laging pupwede na, 'yung pwede lang
Kung pupwede nga
Isipin na walang bagay na hindi pwede
Syempre 'di araw-araw a-bente-singko
Ng Disyembre darating at darating ang peste
'yan ang dapat mong paghandaan
Kasi buti pa 'yung letche flan
Ay may plano kahit letche
Akala ko ayaw mo ng delata? ('Kala ko)
Pero lagi kang nakahilata (Bakit?)
'Kala ko ayaw mong tumanganga? ('Kala ko)
Pero inuuna mo bunganga (Eh)
'Kala ko gusto mo ng biyaya? (Woo)
Pero lagi kang nakatihaya (Damn)
Sarili mo din ang dinadaya kasi
Sa katamaran mo siya niyaya

Dapat kasi 'di ka pumapayag (Pu, pu, pu, pu)
Ikaw din naman ang mahihirapan
(Brrt, pow, brrt, pow) tsaka ikaw din ang
Manghihinayang sa masasayang

Hoy batugan 'di ka pa mayaman
Wala ka pang matabang wallet
Bakit 'di ka makabangon
Baka bakal ang mukha mo tapos
Unan mo naman magnet
Pahiga-higa lang sa higaan 'kala mo biyaya
Sa iyo ang kusang lalapit
Iba ka hanep, 'di nagpa panic
Sanay ka bang walang budget o
Sadyang wala ka lang target (At)
'Yung iba naman mga tamad ay
Mayroon din kakaibang mindset
Kaso lang hindi natin alam kung utak ba
Talaga nila ang ginagamit o gumagamit
'Pag walang-wala at pagkakailangan ay
Sa patalim kumakapit, 'pag walang arep
Sige ang dali, sige ituloy mo pa pare
Hangga't 'di ka pa sumasabit
Sana malabanan mo sarili mo nasanay
Na na puro ka hingi (Puro ka hingi)
Alam mo naman siguro sa sarili
Mong 'di 'yan nakakabilib
Tapos siya pa 'yung galit sa'yo sapilitan
'Yun naman ang 'di ko maintindihan
Tipong imposibleng 'di mo din kainisan
Kahit paulit-ulit mo pa sigehan
Mali ka na kahit isang beses mo lang hindian

Sa mga naririnig mo sana nakatutok ka
Para matuto ka ng siraulo ka (Siraulo)
Ang sakit mo na sa ulo kasi baka 'yung
Sakit mo nga ay nasa ulo na
'Pag 'di ka kumilos ay hindi ka tutuka
Kapag hindi ka ngunguya nang
Ngunguya mabubulunan ka naman
O 'di kaya bibig naman ay bubula
Kasi hindi 'to labanan ng patigasan ng mukha
Kaya matutong mahiya

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret