Flow G, John Roa - Larawan lyrics

Flow G [Archie Basilio Dela Cruz] Philippines

John Neil Torrente Roa

[Flow G, John Roa - Larawan lyrics]

Tanging larawan, tanging larawan
Tanging larawan mo
Tanging larawan, tanging larawan
Tanging larawan mo

Tanging alaala mo na lamang
Ba'ng tanging hawak ko
At ang mga matatamis na yakap
At halik sa t'wing ika'y kasama ko
'Di na ba talaga mababalik ang nagdaan
Kailan nga ba muli ikaw ay nahagkan
At bakit ba kailangan pang lumisan
At bumitaw sa pagkakahawak mo

Sa totoo lang, hirap na hirap na 'kong isipin
Kung pa'no ka bumalik sa'king muli
Pagod na pagod na rin akong
Piliting limutin ang pagkasawi
Wala ba talagang katapusan ang masaktan
Ang mayakap ka ay walang kasiguraduhan
Kung may isang hiling at mapagbibigyan
Ang tanging nais ko ay ang muli kang mahagkan

Tanging larawan mo na lamang ba
Ang tanging hawak hawak ko
At kahit anong gawing limutin ka
Hindi maalis sa isip ko
Ang tanging larawan mo na lamang ba
Ang tanging hawak hawak ko
At sa pagdating ng tamang oras ay
Muling mararanasan ko na mahawakan mo

Tanging larawan, tanging larawan mo, ohh oh
Tanging larawan, tanging larawan mo

Parang kailan lang, nung huli kang makausap
Parang kailan lang
Ngayon nakatingala sa ulap
Naghahanap ng sagot sa bawat katanungan
Nagmumukmok, umiiyak habang yakap ang unan
Ngayon hindi ko na alam kung sa'n kukuha
Ng lakas upang bumangon dahil nga wala ka na

Sa totoo lang, hirap na hirap na 'kong isipin
Kung pa'no ka bumalik sa'king muli
Pagod na pagod na rin akong
Piliting limutin ang pagkasawi
Wala ba talagang katapusan ang masaktan
Ang mayakap ka ay walang kasiguraduhan
Kung may isang hiling at mapagbibigyan
Ang tanging nais ko ay ang muli kang mahagkan

Tanging larawan mo na lamang ba
Ang tanging hawak hawak ko
At kahit anong gawing limutin ka
Hindi maalis sa isip ko
Ang tanging larawan mo na lamang ba
Ang tanging hawak hawak ko
At sa pagdating ng tamang oras ay
Muling mararanasan ko na mahawakan mo

Tanging larawan, tanging larawan mo, ohh oh
Tanging larawan, tanging larawan mo

Umalis ka para iwan ako
Nagpaalam ka at pag-alis mo
Hindi ko alam kung papa'no ako mabubuhay
Ng wala ka sa tabi ko
Marami pa sana akong gustong
Iparating na mga saloobin
Oo, mananatili ka sa'kin, ang masakit lang
'di ka na makakapiling
Sino ba'ng dapat sisihin tadhana ba
Dahil pinutol ang aking ligaya?
O ang katulad mo'ng sinanay akong
Masaya 'pag ikaw ay kasama?
Ngayon papa'no na kung wala ka na
Ano pang paraan ang magagawa?
Nakakapagod na rin makiusap
Makinig ka naman at magsalita
Alam mo bang sa ngayon ay
Hirap na hirap na ako?
Nakakapanghina, alam kong nakapaligid
Ka sa'kin palagi
Kaso 'di ka nagpapakita, napakadaya mo
Buong akala ko hanggang sa huling
Hininga ay kasama kita
At kahawak kamay kaso paano na
'yun kung nauna ka na mahal na mahal kita
Pakiusap bigyan mo ako ng lakas ng loob
Para kayanin ang bawat pagsubok
Na nagdadala ng lungkot at puot
Gusto kitang makasama
Mayakap ka man lang at mahalikan
Kaso papa'no pa 'yun mangyayari
Kung tulad mo ay isang larawan na lang

Tanging larawan mo na lamang ba
Ang tanging hawak hawak ko
(Tanging hawak hawak ko)
At kahit anong gawing limutin ka
Hindi maalis sa isip ko
(Hindi maalis sa isip ko)
Ang tanging larawan mo na lamang ba
Ang tanging hawak hawak ko
(Tanging hawak hawak ko)
At sa pagdating ng tamang oras ay
Muling mararanasan ko ang mahawakan

Tanging larawan mo na lamang ba
Ang tanging hawak hawak ko
(Larawan mo wala ng iba)
At kahit anong gawing limutin ka
Hindi maalis sa isip ko
(Hindi maalis sa isip ko)
Ang tanging larawan mo na lamang ba
Ang tanging hawak hawak ko
(Tanging larawan mo na lang, baby)
At sa pagdating ng tamang oras ay
(At sa pagdating)
Muling mararanasan ko na mahawakan mo

Tanging larawan, tanging larawan mo, ohh oh
Tanging larawan, tanging larawan mo

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret