Gloc 9, Assembly Generals - Tablan lyrics

[Gloc 9, Assembly Generals - Tablan lyrics]

Mata ko'y paluhain kahit ang balat butasin
Di ako tinatablan Di ako tinatablan
Pag nagpaulan sa hangin ang bala'y sasagupain
Di ako tinatablan Di ako tinatablan
Sa malayong lalakarin uubusin ang hinain
Di ako tinatablan Di ako tinatablan
Kahit na lututin man ang laban at inyong lasunin
Di ako tinatablan Di ako tinatablan
Sige lang magpaulan (Di ako tinatablan)
Tamaan man kahit ilan (Di ako tinatablan)
Sige lang magpaulan (Di ako tinatablan)
Di ako tinatablan Di ako tinatablan

Mabigat na buhat Luma na panulat
Bumabalik lagi sa sulat kabisado sulat
Masukal na gubat Galos puro sugat
Pupunitin lagi kahit gano pa kakunat

Sabay unat para di tablan Bakal ang nilalaman
Sugod lang Dami niyong patira pero hangin lang
Puso at talino ang aking ginagalawan
Kaya't ganyan kahit anong patlang ako ang lalamang

Anuman ang lumipas ako ay di matitinag
Mananatiling matikas ang katawan at isipan
Nananaig ang liwanag sa kadiliman
Umabot man ako sa dulo ng walang hangganan
(Gloc) Mataas man ang hagdanan

Mata ko'y paluhain kahit ang balat butasin
Di ako tinatablan Di ako tinatablan
Pag nagpaulan sa hangin ang bala'y sasagupain
Di ako tinatablan Di ako tinatablan
Sa malayong lalakarin uubusin ang hinain
Di ako tinatablan Di ako tinatablan
Kahit na lututin man ang laban at inyong lasunin
Di ako tinatablan Di ako tinatablan
Sige lang magpaulan (Di ako tinatablan)
Tamaan man kahit ilan (Di ako tinatablan)
Sige lang magpaulan (Di ako tinatablan)
Di ako tinatablan Di ako tinatablan

Bago ko pasukin ang larangan nakilala ang kalaban
Ilang beses nadapa hanggang masukat ko ang tapang
Kumapal ang kalyo ng mga sugat sa bawat salang
Suot ang bawat galos at pinsala ng digmaan

Digmaan sa kanto may mga atraso
Kailangang tignan na parang kagat ng aso
May lamat na baso Sami'y walang kaso
Mainit na tila pinabayaan na trangkaso

Eh ang kaso may humarang pero di naman lalaban
At kahit may ibalang lagpasan walang atrasan
Kasi di niyo lang alam ang aking mga dinaanan
Sige lang subukan ang sapatos ko kung kaya niyong lakaran

Mata ko'y paluhain kahit ang balat butasin
Di ako tinatablan Di ako tinatablan
Pag nagpaulan sa hangin ang bala'y sasagupain
Di ako tinatablan Di ako tinatablan
Sa malayong lalakarin uubusin ang hinain
Di ako tinatablan Di ako tinatablan
Kahit na lututin man ang laban at inyong lasunin
Di ako tinatablan Di ako tinatablan
Sige lang magpaulan (Di ako tinatablan)
Tamaan man kahit ilan (Di ako tinatablan)
Sige lang magpaulan (Di ako tinatablan)
Di ako tinatablan Di ako tinatablan

Ang dami dami dami dami niyong binibitawan
Lahat nanggaling sa ugaling puro talangkaan
Wag puro salitaan Lagyan mo ng galawan
Sa ganyang kilusan baka ika'y masagasaan

Manibela mani obra
Pag hindi krus yan ay kara
Dami nang lumalamon sa kusina
Bat di ka maghain sa sala, para
Para may puwesto wag laging imbento
Baka sa balita ikaw ang makita sa mga ulat ni Calvento

Alam ko namang hindi madali
Maranansan ginhawa man o sakit
Subukan mo mang hamunin ay
Hinding hindi kayang patumbahin

Asintahin ang iyong hiling
Mga pangarap iyong abutin
Huwag kang matakot na lumusob sa gera
Nakahanda ka dapat saluhin

Nakahanda ka dapat salagin

Sige lang magpaulan (Di ako tinatablan)
Tamaan man kahit ilan (Di ako tinatablan)
Sige lang magpaulan (Di ako tinatablan)
Di ako tinatablan Di ako tinatablan

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret