IV Of Spades, Shanti Dope - Namamasko Po lyrics

[IV Of Spades, Shanti Dope - Namamasko Po lyrics]

Sa may bahay ang aming bati
Merry Christmas na mal'walhati
Ang pag-ibig, 'pag s'ya'ng naghari
Araw-araw ay magiging pasko lagi

Ang sanhi po ng pagparito
Hihingi po ng Aguinaldo
Kung sakaling kami'y perwisyo
Pasensya na kayo't kami'y namamasko

Sa may bahay na'ng handa do'n, may Pasko sa bawat kanin
Kahit gano'n pa man ay nanatiling masayahin
Pagsaluhan ang putaheng sa aming bahay nanggaling
Kahit ano pa 'yan, basta mula sa 'yong damdamin

Sa may bahay na nasa malayo ang ama't ina
Bitaw bigla sa pag-aaral ang anak nila
Iba-iba man ang hulma at hugis ng ating tahanan
Ang mahalaga sa bawat isa, may pagmamahalan

Ang sanhi po ng pagparito
Hihingi po ng Aguinaldo
Kung sakaling kami'y perwisyo
Pasensya na kayo't kami'y namamasko

Sa may bahay na mala-palasyo at kaharian
Pero laging 'di makumpleto sa hapag-kainan
'Di na kailangan kumilos para gutom maibsan
Kaso parang may kulang na 'di makuha sa 'pagbilhan'

Sa bahay na may tulay pagtapak-pasok sa ibabaw
Na napakausok t'wing matutulog lagi 'pag babaw
Kahit na iba-iba, hugis ng ating tahanan
Ang mahalaga sa bawat isa, may pagmamahalan

Ang sanhi po ng pagparito
Hihingi po ng Aguinaldo
Kung sakaling kami'y perwisyo
Pasensya na kayo't kami'y namamasko
Pasensya na kayo't kami'y namamasko

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret