Kristoffer Martin - ’Di ba lyrics

[Kristoffer Martin - ’Di ba lyrics]

'Di ko pa nililigpit ang kalat mong iwan
Ang gulo pa rin ng ating kumot at unan
Baka lang magbago pa ang isip mo
At bumalik ka

Narito pa rin lahat ng 'yong mga liham
Nadarama pa ang kahapon t'wing tinitingnan
'Di pa rin nagmamaliw ang pagtingin
At hinihintay ka hinihintay ka

Babalik ka pa, 'di ba?
Mahal mo pa ako, 'di ba?
'Di ba 'di naman ito magtatagal?

Nadarama ko pa ang lingkis mo sa 'king kamay
O kay gaan sa puso ng bigat ng 'yong dantay
Pwede ring nasanay lang pero
Ayokong kalimutan ka kasi 'di ba?

Babalik ka pa, 'di ba?
Mahal mo pa ako, 'di ba?
'Di ba 'di naman ito magtatagal?
'Di ba babalik ka pa dahil mahal mo pa ako
'Di ba?

Babalik ang dating pagsinta
Babalik ang dating pagtingin
Babalik sa piling ko pagka't mahal pa rin

Babalik ka dahil kahit na
Ang mundo ay babaliktarin tayo pa rin

Kahit maghintay ng kay tagal
Dahil alam kong ako'y iyong mahal
Babalik ka pa, 'di ba?

Babalik ka pa, 'di ba? (Babalik ka pa)
Mahal mo pa ako, 'di ba? (Mahal mo pa ako)
'Di ba 'di naman ito magtatagal?

Babalik ka pa, 'di ba? (Babalik ka pa)
Mahal mo pa ako, 'di ba? (Mahal mo pa ako)
'Di ba 'di naman ito magtatagal?
'Di ba babalik ka pa dahil mahal mo pa ako
'Di ba?

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret