Kristoffer Martin - Sa Piling Mo ”Alyas Robinhood” theme song lyrics

[Kristoffer Martin - Sa Piling Mo ”Alyas Robinhood” theme song lyrics]

Kahit na ano pang problemang magdaan
Sa buhay kong ito na merong pagkukulang
Mga panahong dumaan at lumipas na
'Di ko alam kung saan magsisimula
Suliranin ng buhay na aking dinadala
Parang larawan na tila 'di ko maipinta
Sana'y muling lumitaw ang katotohanan
Sa mga bagay na hindi ko maintindihan

Ako'y babangon basta't tayo'y magkasama
Ating haharapin sa hirap o ginhawa

Sa piling mo, makakayanan ko
Lahat ng hamon, aking malalampasan
'Di papatalo, 'di ako palilinlang
Puso't isipan, aking ipaglalaban
Basta't ako ay may karamay
Iaalay ang buo kong buhay para sa 'yo

Anumang pagsubok ang aking tatahakin
Taas noo, buong tapang kong susuungin
May kaagapay na hindi na dapat mangamba
Kahit ano pa ang sabihin ng iba
Dati'y sumuko dahil puso'y sugatan
Galos ng kahapon ay aking napaglabanan
Dahil ako'y kumapit sa 'yong mga bisig
Alang-alang sa ngalan ng pag-ibig

Ako'y babangon basta't tayo'y magkasama
Ating haharapin sa hirap o ginhawa

Sa piling mo, makakayanan ko
Lahat ng hamon aking malalampasan
'Di papatalo, 'di ako palilinlang
Puso't isipan, aking ipaglalaban
Basta't ako ay may karamay
Iaalay ang buo kong buhay para sa 'yo
Para sa 'yo

Oooh sa piling mo, makakayanan ko
Lahat ng hamon, aking malalampasan
'Di papatalo, 'di ako palilinlang
Puso't isipan, aking ipaglalaban
Basta't ako ay may kasama
Alam kong meron pang pag-asa
Basta't ako ay may karamay
Iaalay ang buo kong buhay para sa 'yo
Para sa 'yo

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret