Quest, Reese Lansangan - Paborito lyrics

[Quest, Reese Lansangan - Paborito lyrics]

Ikaw lang talaga 'Wag ka nang magtataka
Kung ikaw ay musika
Ikaw 'yung librong, 'di ko maibaba
Parang teleseryeng 'di pwedeng palampasin
Parang "Good morning" text
Na kailangang ma-send

Ikaw pa rin ang una, 'di kailangang magduda
Kabisado na kita
Like my favorite game I know you by heart
Up, up, down, down, left, right, left
Right, a, b, a, b, select, start

Ikaw ang aking paborito, tanong mo kahit sino
Pagmasdan mo ang ngiti ko, ikaw ang dahilan
Sana palagi kang nandito
Para araw-araw mismo
Kahit kailan, kahit saan
Ikaw ang aking paborito

Kung si Goma may Lucy, si John may Marsha
Si Kiko may Shawee, si Popoy may Basha
Kailangan kita, mahirap mag-isa
Walang pagpipilian, ikaw lang talaga
Ang tunay, ikaw ang kulay sa'king buhay
Umaga, tanghali, gabi, hindi mauumay, oh my
Parang Slice of Life
Si Larry lang ang hinahanap
Parang That's Entertainment sa
Mga batang nangangarap

Ikaw pa rin ang una, 'di kailangang magduda
Kabisado na kita
Like my favorite song I know you by heart
"Na sa'yo na ang lahat pati ang puso ko"

Ikaw ang aking paborito, tanong mo kahit sino
Pagmasdan mo ang ngiti ko, ikaw ang dahilan
Sana palagi kang nandito
Para araw-araw mismo
Kahit kailan, kahit saan
Ikaw ang aking paborito

Halika rito, ikaw mismo
Ikaw ang aking paborito

Vanilla ice cream na may chocolate syrup
Sa ibabaw, na umaapaw
Tapos suot pa 'yung T-shirt na pampaswerte
Araw-araw kahit umaalingasaw
'Yung sapatos na sira 'yung suwelas
Pilit pa ring sinusuot
'Yung lumang Ray-Ban pa rin kahit na baluktot
Ayaw bitawan, ayaw pakawalan
'Yan kasi 'yung paborito ko
Parang ikaw lang 'yan
'Di naluluma sa mata ko bago pa rin
'Di ko pagpapalit kahit may bagong dumating
Ang layo ng narating, iba pa rin ang dating
Parang Alice Dixson lang, ang ganda mo pa rin
Uulit-ulitin, babalik balikan
Parang luto ni nanay, hindi mo mapapalitan
Walang kapalit 'yan
Para sa akin lang custom made
Walang makakadaig, because to me

Ikaw ang aking paborito, tanong mo kahit sino
Pagmasdan mo ang ngiti ko, ikaw ang dahilan
Sana palagi kang nandito
Para araw-araw mismo
Kahit kailan, kahit saan, yeah

Ikaw ang aking paborito, tanong mo kahit sino
Pagmasdan mo ang ngiti ko, ikaw ang dahilan
Sana palagi kang nandito
Para araw-araw mismo
Kahit kailan, kahit saan
Ikaw ang aking paborito

Halika rito, ikaw mismo
Ikaw ang aking paborito
Halika rito, ikaw mismo
Ikaw ang aking paborito

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret