Quest - Walang Hanggan lyrics

[Quest - Walang Hanggan lyrics]

Gulong-gulo ang puso saan ba 'to patungo?
'Di ko alam, 'di ko alam
Hinarap lahat ng balakid
Pero bakit walang kapit
Ang mga pangakong binitawan?
'Di ko alam, 'di ko alam
Nung ika'y nilalamig, ako'y iyong init
Kapag takot sa bukas, ako'ng unang sisilip
Ginawa ko na'ng lahat, hindi pa rin sapat

Kasi ika'y mawawala na
Nawalan ng gana ang tadhana
Nanlalamig 'yung dating nagbabaga
Kung maibabalik lang sana
Titiisin ko na kahit paulit-ulit
Tapos pipilitin ko na 'di maulit
Ang masulyapan mo 'yung dulo
Akala ko walang hanggan pero may dulo

Bawat segundo sa'king puso i-uukit
Lahat ng alaala aking iguguhit
Para makalimutan mong may dulo
Ang sabi mo walang hanggan
Pero 'eto tayo sa dulo

Kailan ka ba napaso?
Nanlalamig na ang 'yong braso
Bakit ganyan? Bakit ganyan?
Kung pwede lang pakisagot lahat ng bakit
Sa'n galing ang galit? Meron bang nang-aakit?
Kailangan ko lang malinawan
Bakit ganyan? Bakit ganyan?
Handang panindigan lahat ng ating plano
Sigurado kahit 'di kabisado
Gagawin ko ang lahat
Walang pake kung 'di sapat

Kasi ika'y mawawala na
Nawalan ng gana ang tadhana
Nanlalamig 'yung dating nagbabaga
Kung maibabalik lang sana
Iindahin ko ang sakit na gumuguhit
Ngingiti sa likod ng luhang pumupunit
Baka masulyapan mo 'yung dulo
Kasi sabi mo walang hanggan
Ba't merong dulo?

Ibibigay ko ang lahat paulit-ulit
Bawat pagkakataon ay aking isusulit
Basta matalikuran mo 'yung dulo
Ang sabi mo walang hanggan
Ba't nandito tayo sa dulo?
Ohh, ohh, oh ohh sa dulo ohh, ohh, oh ohh

'Wag ka munang tumalikod
Bumalik ka muna dito
Padampi kahit anino, ayokong mag-isa dito
Wala na bang bisa aking dalangin?
Tinataboy na ba ng langit?
Nakikiusap na lang sa hangin
Ngayon wala ka na sa akin, ohh

Bakit ba biglang meron tayong dulo?
Pangako mo walang hanggan
Bakit nand'yan ka sa dulo?
Pwede bang kalimutan mong may dulo?
Handa 'ko sa walang hanggan
Pangako mo walang hanggan
Akala ko walang hanggan
Pero 'eto tayo sa dulo

Kung ika'y mawawala sa aking piling
Dinggin mo ang aking bilin
Lingon ka lang paminsan-minsan
Dito lang ako, 'di ako lilisan
Sa ating dulo, 'di ako lilisan

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret