Quest, Keiko Necesario - Unang Hakbang lyrics

[Quest, Keiko Necesario - Unang Hakbang lyrics]

Ayoko na dito sawa na 'ko dito

Hingang malalim, damhin ang hangin
Tingala sa langit, 'di pa 'to tapos
Meron pang galit, inamo, inakit, paasa
Pasakit pusong naghikahos, kumapit ako
Kahit ano gagawin ko, pero bakit gan'to
Nangyari sa'yo? Bakit ako?
Pwede na 'kong sumuko, dito na lang sa dulo
Pero sinubukan kong matuto

'Yung 'di na mababago, bitawan mo na
Sa paghilom ng sugat may bagong simula
Maniwala ka man o hindi
Lahat 'yan ay merong silbi, sige

Pwede ka nang kumawala
D'yan sa rehas mong gawa-gawa
'Wag nang magpanggap na nawawala
Wala namang mawawala kung magsimulang muli

Pagbigyan mo ang bukas
'wag kang matakot umusad
Kapag nahanap ang lunas
Ang nakaabang ay walang katulad
Ang puso'y namulat, may mga patunay na sugat
Mas malakas ka na ngayon
Tumingala ka sa ulap
Kwento ng tagumpay, ang pinakahihintay
'Kala mo tapos na, muntik ka pang bumigay
Ngayon nagdiriwang ang langit
Simulan mo na ulit umawit
Ibaon ang noon para sa ngayon, unang hakbang

Kung gusto mo ng bago, iwanan mo 'yan
Hilumin ang sugat, ito lang ang paraan
Maniwala ka man o hindi
Lahat 'yan ay merong silbi, sige

Pwede ka nang kumawala
D'yan sa rehas mong gawa-gawa
'Wag nang magpanggap na nawawala
Wala namang mawawala kung magsimulang muli
Buksan mo ang 'yong mga mata
Para hindi ka na nangangapa
'Di mo na kailangan pang mangamba
Magpaalam sa nakaraan at magsimulang muli

Ayoko na dito ayoko na dito
Ayoko na dito sawa na 'ko dito

Pwede ka nang kumawala
D'yan sa rehas mong gawa-gawa
'Wag nang magpanggap na nawawala
Wala namang mawawala kung magsimulang muli
Buksan mo ang 'yong mga mata
Para hindi ka na nangangapa
'Di mo na kailangan pang mangamba
Magpaalam sa nakaraan at magsimulang muli

Magsimulang muli, magsimulang muli

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret