Loonie, Quest - Tao Lang lyrics

Loonie [Marlon Peroramas]

[Loonie, Quest - Tao Lang lyrics]

Uy, si Loonie 'yun ah? Tara lapitan natin
Idol, FlipTop tayo
Tara, isa lang, kuya, sige na

Parinig naman ng rap mo, sample naman d'yan
Ang ganda naman ng cap mo, arbor na lang 'yan
Ang yabang mo naman
Wala ka bang kanta na bago?
Bakit wala kang battle? Takot
Ka bang matalo? Ha?
Paulit-ulit ang tanong ng mga tao
'Wag sanang apurado, anong magagawa ko?
Wala akong maisip, masyado pang mainit
Akala mo tuloy mukhang suplado 'pag tahimik
Pagod lang talaga, galing gig Tuguegarao
Walong oras sa van, tatlong oras sa kalabaw
Tapos pag-uwi ko pa para
Bang hindi ko malaman
Kung bakit ang buhay ko ay
Para bang naging pelikula
Laging puyat, nagkalat ang papel na nilamukos


Andami ng kapeng ipinautos
Tinta ng aking bolpen, malapit ng maubos
Isang patak na lang pero aking ibubuhos

Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko
Ako ay tao lang din naman na tulad mo
Ano ba ang dapat na gawin
Dapat bang kamuhian
O, dapat ba na tularan ang 'sang
Tulad ko na tao lang?

Pasensya na, tao lang pasensya na, tao lang
Pasensya na, tao lang pasensya na

Kasi sapul sa pagkabata, sablay nung tumanda
Lumakad, humakbang hanggang sa madapa
'Wag kang mawawalan ng pag-asa
'wag kang madadala
Kung wala ka pang mali wala ka pang nagagawa
Madadapa ka muna bago ka matutong lumakad
Ang buhay ay utang, hulugan ang bayad
Kaya 'wag kang matakot magkamali
Pero alalay lang
'wag kang masyadong magmadali
'Yan ang sabi sa akin ng aking itay
Na pinapaalala palagi sa'kin ni inay
Na kadalasan ay hindi nasusunod
Ayoko ng sumali, gusto ko manood
Minsan wala ng gana, ayoko ng mag rap
Kasi akala ko dati, alam ko na lahat
'Yun pala kulang pa ang kaalaman kong labis
Ngayon alam ko na
Kung ba't may pambura ang lapis

Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko
Ako ay tao lang din naman na tulad mo
Ano ba ang dapat na gawin
Dapat bang kamuhian
O, dapat ba na tularan ang 'sang
Tulad ko na tao lang?

Pasensya na, tao lang pasensya na, tao lang
Pasensya na, tao lang pasensya na

Pero 'di ba, tao ka lang din
Hindi mo ba napansin?
Kahit anong taas mo na, titingala ka pa rin
Kahit planuhin mong mabuti
Bakit gano'n pa rin?
'Di maiwasan na magkamali kahit anong gawin
Kadalasan, nangyayari ay ang kabaliktaran
Marami kang detalye na makakaligtaan
Mamamali ka ng daan lalo kung
Wala kang ga'nong alam
Anong magagawa mo? Tao ka lang
Napapagod, natatakot, naiinip
Natatawa, nagtataka, naiinggit
Nangangawit, nagagalit, nabibigla
Nalulungkot, nauutot, nahihiya
Natutukso, nakokonsensya
Nauubusan din ng pasensya
Nasasaktan, nagmumura pero nagmamahal pa
Rin kahit natuto na

Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko
(Mali ba na magkamali?) Ako ay tao
Lang din naman na tulad mo
Ano ba ang dapat na gawin
Dapat bang kamuhian
O, dapat ba na tularan ang 'sang
Tulad ko na tao lang?

Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko
Ako ay tao lang din naman na tulad mo
Ano ba ang dapat na gawin
Dapat bang kamuhian
O, dapat ba na tularan ang 'sang
Tulad ko na tao lang?

Pasensya na, tao lang pasensya na, tao lang
Kagaya mo, tao lang pasensya na, yeah
Pasensya na, tao lang pasensya na
Pasensya na, sorry naman
Kung pwede lang sana isoli na lang
Pasensya na

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret