Loonie - Tugmang Preso lyrics

Loonie [Marlon Peroramas]

Ang kanyang kantang ito ay nagbigay-daan para sa malalim na pagsusuri sa isang kwento ng katarungan at kahusayan ng sistema ng hustisya. Maraming tagahanga ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa kanyang husay sa pagsulat at pagganap, at muling nagsilbing pagbabalik ni Loonie sa eksena ng battle rap. Ang kanyang kantang ito ay nagtampok ng malalim na detalye at detalyadong paglalarawan ng mga pangyayari, at tinanghal niya ito ng may tapang at tapat na pagsasalaysay. Isa itong mahusay na pagsusuri ng kanyang talento at pagiging lider sa industriya ng musikang rap sa Pilipinas.

[Loonie - Tugmang Preso lyrics]

Isang sikat na Fliptop rapper ang inaresto sa
Buy bust operation sa Makati City
Siya si Marlon Peroramas o mas
Kilala bilang si Loonie
Members of Makati's drug enforcement unit
Have arrested rapper Loonie
Nakuhanan sila ng isang pakete ng droga
Miyerkules nung nakaraang linggo
Nang maaresto si Loonie at apat na iba pa
Matapos makumpiskahan ng bush for
High grade marijuana

Bagamat makulay ang mga pabalat
Alam mong mahusay ang pagkakalahad
Mga tunay na ganap, isinulat ng parak
Kaya 'wag ka nang magulat
Kung magtutugma lahat
Sapagkat ito'y galing sa memorya
Isang napaka-importante na istorya
Ito ang aking personal na testimonya
Pangontra sa mga ignorante na teyorya

Ito ay tunay na buhay
Wala 'kong dahilan para magsinungaling
At mga detalye palitan
Ito ang kwento kung pa'no kami tinaniman ng
Marijuana ng mga parak na mukhang taliban
Bandang alas otso ng gabi sa Pilipinas
Sa isang gusali doon sa may Ortigas
Walang oras bago ang rehas ay mahimas
Kasama ko si Ron Henley ng Stick Figgas
May interview kami sa radyo nung gabi na 'yon
Tungkol sa marijuana at sa legalisasyon
Pagkatapos namin umalis agad sa istasyon
Dahil meron pa 'kong
Pupuntahang isang okasyon
Do'n sa Poblacion, birthday daw ni Shawn
'Yun lang alam ko na detalye pa noon
Medyo masama ang panahon, umaambon
Kaya tinext ko na si utol
Pumunta ka na ngayon
Humiwalay na si Ron, sumakay ng taxi
Dahil bukas may recording pa kami ni Klumcee
Utol kong si Idyll, sinundo ako sa lobby
Gamit ang aking Subaru na tunog Ferrari
Saan tayo pupunta? Private daw na party
'Yung reception ay isang hotel do'n sa Makati
Bata na may cancer, kumontak kaniyang mommy
Idol ako ng anak at rap ang kaniyang hobby
Pangalan daw ay Shawn, walang pake sa money
Kasi handang magbayad kahit magkano si daddy
Lumambot ang aking puso nung una ko narinig
Naawa ako kay Shawn, mga luha nangilid
Nung nalaman kong lagay na
Daw ng bata tagilid
'Di niyo kailangan magbayad
Pupunta ako sa event
Rekta sa Makati kahit traffic ay kainip

Hay!

Kasama ko si Rude at si Ivan ang sikip
At si Kuya Albert 'yung driver kong mabait
At tsaka si Idyll aking manager at kapatid
Na merong talastimya, isang kakaibang sakit
Kailangan niya laging salinan ng
Dugo na pantawid at dahil malapit lang sa
Hotel 'yung Makati Med
Sumabay na lang siya sa'min
Para mas makatipid

Sabay ka na para isang kotse na lang

'Yung katabi ko sa back seat
Si Rude Boy at si Ivan
Documentation, security at hype man
Bali siksikan kami sa aking tsikot
(Wag malikot)
Tatlo kaming mga lalaki sa likod
Pagdating sa Makati, sakto lang 'yung tayming
Nag-text na rin 'yung mommy at nagsabing
Nag-start na daw 'yung party
Sa basement daw 'yung parking, salamat
Sa pagpunta, pasok lang kayo, darling
Pagbaba ng kotse, hinanap ko
'yung main floor
May nagpa-litrato sa tabi ng elevator
Idol pwede favor? Baka pwede magpa-picture
Kasi idol na idol
Ka talaga ng anak ko na grade four
(yeah, four)
Nag-selfie kaming dalawa sa kaniyang razor
Tapos tinutok sa'kin 'yung
Baril ni terminator (Positive, Sir)
Pero bilang na rator, lagyan natin ng flavor
Para 'di masyadong halata 'yung
Trauma ko na major (What the fuck?)
Nakakagulantang 'sang katutak na ninja cops
Sa amin ang tumambang
Parang WuTang Clan lang
Lampas sampu lumabas sa van
Pasensya na idol, napag-utusan lang
Humakbang paatras at wala nang nagawa
Tinutukan ng beretta sa mukha
Pinadapa, pinosasan
Pilit pinapatingin sa baba
Mga bulsa namin isa-isa nilang kinapa
Akala ko kidnap for ransom ang sadya o
Kaya baka prank lang 'to na malala
'langhiya

Dapa, dapa, dapa!
Kamay sa likod, tingin sa baba dapa sabi eh!

Nakadapa kami habang napapanood ng aking
Utol na kasalukuyang naka-bukod
May tinabi silang kahon
Malakas kaniyang kutob na meron 'tong
Mga lamang kontrabando sa loob
Tsaka na lang silang nagpakilalang mga parak
Nung isa na sa mga kasama nila nasapak
Walang uniporme at naka maskara lang
Lahat, walang Mirandang binasa
Basta basta lang agad (My God)
Sikat na hotel at
Nakakapagtaka'y maraming CCTV
Lahat nakapatay
Wala man lang body cam na nakalagay
Kahit kuha man lang ng cellphone
Gamit kamay sabi daw ng pulisya
Sa'kin daw nakumpiska pero 'di makumpirma
Kasi walang kahit ni isang saksi na pumirma
Walang video ng palitan, magmula nung umpisa
Kung under surveillance pala dapat
May footage ka
('Di ba? Kung under surveillance pala
Dapat may footage na)

Kung normal na tao nagva-viral
'pag nahuli siya
Paano na lang kaya kung si Loonie pa
Nung nasagot ko 'yung PDEA at aking kinondena
Mga ulo nila bigla nagkaroon ng
Bumbilya para ma-promote sa pwesto
Ako ang pinuntirya
Ng mga ninja cops na gustong magbida-bida
('Di ba, 'di ba?)
Bigla silang nakaisip ng ideya kasi napanood
Nila 'yung live ko sa PDEA
Nung binan nila 'yung kantang
"Amatz" dahil sa tema
Pero "Maria Hiwaga" ni Sassa, walang problema
Aba, punyeta talamak na ang taniman
Buy bust daw kaso bakit parang madalian
'Di ba dapat pinaghahandaan 'yan at
Kalimitan minamanmanan ng malayuan
Malapitan
May mga camera na nakatago sa pagitan kaya
Medyo weirdo kasi walang video ng palitan
Akala ko ba buy bust 'to
Na malakihan, nakakapagtaka lang, kaibigan

Gusto mong maintindihan at mabatid
Gamitin mo lang ang sentido kumon, kapatid
Para sa isang daang libro magpapaka-astig
Kayang-kaya ko 'yang kitain ng
Triple isang gig at kung pusher man ako
Na sinasabi nilang weed
Bakit naman ako pa mismo maghahatid
Ni hindi nga ako lumalabas ng bahay tsaka
Bihira mong makita sa kalsada tumawid
At bakit ako magbebenta sa 'di ko kakilala
Kung sa eksena ko ay maraming nagma marijuana
Bakit ko papahirapan ang sarili ko habang
Sinusugal ang karerang matagal
Kong pinagsikapan bakit isasama ko pa 'yung
Kapatid kong may karamdaman
At camera man para mag-vlog ng kaganapan
Walang saysay na mga paratang
Pawang haka haka
Lamang para pangalan ko ay yurakan

Alam kong meron akong mga paa na natapakan
Ngunit 'di ko 'yon sinasadya
Ako ay tao lamang
Pinaglaban lang ang paglikha
Ng merong kalayaan at kung 'yon ay masama
'yun lang ang aking kasalanan

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret