Loonie - Meron Pa (feat. KV) lyrics

Loonie [Marlon Peroramas]

KV [Philippines]

[Loonie - Meron Pa feat. KV lyrics]

Ooh, ooh, may bangka ng magagaling
Pero tinatahak nila, landas na madilim
Puro patibong para malaglag dun sa bangin
Pera gusto ng mga pating sobrang nakakaaning
Magpatiwakal kaya gamit sariling angkla?
(angkla, angkla) pero ang tanong
May ikakasa pa ba?

Meron pa hanggang sa huling hininga
Hanggang magtugma ibibigay ko lahat
Yung tao lang sa salamin aking kalaban
Di pwede umiling (dahil inaasahan)
Bitwin sisipatin kahit tapak tapakan
May ikakasa pa ba? (Meron, meron)
May ikakasa pa ba? (Meron, meron)
Yung tao lang sa salamin aking kalaban
Di pwede umiling (dahil inaasahan)
Bitwin sisipatin kahit tapak tapakan

Nirecord ko to dalawang araw bago marelease
Ngayon lang ako nakagawa ng ganto kabilis
Ilang weeks nang pabalik balik sa studio
Nagmimix
Namimiss ko na ang aking kids, daming gigs

Happenings, pagdiriwang at piging
Napilitan magtiis, sarili lang marketing
Kapatid ko budgeting, manager kong magaling
Yeah
Aggregator ko Believe, paborito ko 'tong beat

Nabili ko to kay Jim, tapos KV for the win
At isang mahabang verse ang napili kong gawin
Kung ako ikaw siguradong mapipikon ka rin
Pag nabiktima ka na ng mga CEO sa scene

Sana naman makuha mo ang ibig kong sabihin
Sensitibong usapin na desididong ungkatin
Walang pake kahit sa kritisismo ulanin
Tatalo sayo kapwa Pilipino mo lang din

Daming inggit na gusto kang galitin
Daming sipsip na gusto kang gamitin
Madalas kabaliktaran ang kanilang sasabihin
Ikaw lunok na lang, kundi wala kang kakainin

Yung iba dyan ikaw ay aasintahin
Aapir sayo ikaw naman aapir ka din
Maya maya bigla ka na lang papapirmahin
Tapos sa dulo biglang ikaw
Pa ang babaliktarin aba iba rin

Tapos marami pa ring inggit
Palaging nagngingitngit sa galit
Nakatiktik sa bawat tweet at retweet
Bwisit na bwisit gustong manakit
Kala mo naman talaga kayang kumalabit
Teka akala ko ba ako ay di mo trip
Pero nung ako'y nameet
Bakit panay pavideogreet?
At picture picture, cheek to cheek
Mas hypocrite ka pa sa catholic
Na nagtitrick or treat you piece of shit

Sunod-sunod na kamalasan naranasan
Sabay sabay porket alam na malakas kalaban
Pangalan ko ginagamit sa kalapastanganan
Ganyan talaga pag antas ay kataas taasan

Ngunit sa kabila ng lahat ay magpapatuloy
Hindi magpapaluoy o aasa sa abuloy
Gamitan tamo ninyo ug tiradang pangmarukoy
Sasalubong sa alon pero sasabay sa ugoy

Panghihinaan ngunit di masisiraan ng loob
Kahit maraming maingay na nanghihila palubog
Tandaan na mas matulin ang liwanag sa tunog
Kaya ligtas ka sa kidlat pag
Narinig mo ang kulog!

Malabo mang marating, ganado kong gagawin
Mas gusto ko pang maging mas mahusay pa sa
Dating ako na akala ko ay masyado nang
Magaling
Tanging tatalo sakin ay yung tao sa salamin
Di ako babasagin lalong papalakasin
Ang isip, puso, kaluluwa at katawan na rin
Meron na album ko sa
Spotify handa ng mastream
Kung tanong mo meron pa
Marami pang paparating

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret