Loonie - Salamat Po (feat. Omar Baliw, Rhyne) lyrics

Loonie [Marlon Peroramas]

Omar Baliw [Omar Harry Balmes Manzano]

Rhyne [Rhyne Gonzales Daran]

[Loonie - Salamat Po feat. Omar Baliw, Rhyne lyrics]

Pasasalamat sa may likha dahil
Binasbasan ang aking tinta
Naging gabay sa'king daanang 'di uminda
Sa bawat hamon, salamat, salamat

Pasasalamat sa may likha dahil
Binasbasan ang aking tinta
Naging gabay sa'king daanang 'di uminda
Sa bawat hamon, salamat, salamat

Alam mo na kung sino 'to kaya salamat agad
Salamat po sa buhay kong sagad, salamat sagad
Salamat sa mga aray na kasabay sa lakbay
Salamat din sa mga aral
Galing sa'king sablay

Salamat nakatayo, salamat 'di bumigay
Salamat nakalayo, salamat din dumighay
Salamat nalampasan 'yung malubak na daan
Salamat dahil may sagot na kung papunta saan

Salamat sa mga biyaya na dumadating
Salamat may solusyon na, 'di na dumadaing
Salamat dahil mas tumatagal bumabangis
Salamat sa sarili ko, walang pumapanis

Kaya 'ko magdasal ngayon ta's 'sasalamat lang
Ibabalik lahat sa mga nararapat lang
Salamat, thank you, matsala pati arigato
Hindi na maaawat kay saya aribato, uh

Pasasalamat sa may likha dahil
Binasbasan ang aking tinta
Naging gabay sa'king daanang 'di uminda
Sa bawat hamon, salamat, salamat

Pasasalamat sa may likha dahil
Binasbasan ang aking tinta
Naging gabay sa'king daanang 'di uminda
Sa bawat hamon, salamat, salamat

Pasasalamat sa bawat umagang gumigising
Sa bawat butil ng kanin sa plato na nagiging
Lakas sa araw-araw pagkatapos kong kainin
Salamat sa pag-ibig, sa musika at sining

Salamat at ako'y hindi sakitin
Merong kamang nahihigan kahit
Walang ka-siping
Sa kabila ng pagkabilanggo at mga hiring
Salamat at mga anak ko ay aking kapiling

Pasasalamat sa lahat ng mga tunay kong
Kaibigan ko na lagi nand'yan
Pasasalamat sa lahat ng mga nag-alis
Sa akin sa maling daan

Pasasalamat sa aking pamilya na
Maaasahan ko kahit saan
Pasasalamat sa mga kalaban kayo ang
Rason kung ba't nasilaban

Mga salitang matatamis, mapapait at maaalat
At madalas maging sanhi nang
Nasawing mga pangarap
Parang pangako, mahal kita patawad
Walang anuman ang makakadaig
Sa salitang salamat

Pasasalamat sa may likha dahil
Binasbasan ang aking tinta
Naging gabay sa'king daanang 'di uminda
Sa bawat hamon, salamat, salamat

Pasasalamat sa may likha dahil
Binasbasan ang aking tinta
Naging gabay sa'king daanang 'di uminda
Sa bawat hamon, salamat, salamat

Pasasalamat sa may likha dahil
Binasbasan ang aking tinta
Naging gabay sa'king daanang 'di uminda
Sa bawat hamon, salamat, salamat

Pasasalamat sa may likha dahil
Binasbasan ang aking tinta
Naging gabay sa'king daanang 'di uminda
Sa bawat hamon, salamat, salamat

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret