Loonie - Kapayapaan (feat. Donnalyn, KV) lyrics
Loonie [Marlon Peroramas]
Donnalyn Jereos Bartolome [Yokosuka, Japan]
KV [Philippines]
[Loonie - Kapayapaan feat. Donnalyn, KV lyrics]
Ang dalangin sa Ama:
Katatagan para tanggapin ang mga bagay
Na di na maiiba pa
At katapangan para baguhin ang
Maaari pang maisalba
At karunungan upang matutunan ang
Pinagkaiba ng dalawa
Sinusubukan ko naman na kumalma
Pero ba't ganon?
Nagsikalat mga ubod ng tanga
Kaliwa't kanan sila'y nagmamanman
Talagang susubukan ka
Pero di ko papabayaan ang
Sarili kong kapayapaan
Nanghahatak pababa ang alimango sa timba
Kapwa kababayan itatrato kang iba (iba)
Imbis na itaas ka ibabash ka pa nila
Tapos biglang magiging fans pag
International ka na (wow)
Wag mo na lang pansinin para di ka naaannoy
Naiinis, nababaliw, napaparanoid
Kapag pinatulan mo ang stupidong
Lasing na nagmamaoy
Parang sinabuyan mo ng tubig
Ang mantikang nagaapoy handa na boy?
Maraming sasalubong sa daluyong
Mga dudong na akala mo marurunong
Panay gusto lang ay tensyon para maugong
Mga patay-gutom sa atensyon dapat
Pinapatay sa gutom
Sinusubukan ko naman na kumalma
Pero ba't ganon?
Nagsikalat mga ubod ng tanga
Kaliwa't kanan sila'y nagmamanman
Talagang susubukan ka
Pero di ko papabayaan ang
Sarili kong kapayapaan
Sa panahon ng internet, uso ang pamumuna
Di pwedeng laging init ng ulo ang nauuna
Bago ka magsisi sa dulo dapat matuto kang
Maging payapa ang isip, ang puso, at kaluluwa
Maraming magpapapansin para lang makatabi
Dapat wala kang pake, magpakalalaki ka pre
Hayaan mo sila wag ka na lang gumanti
Kalaban nya sarili nya 'wag
Mong bigyang kakampi
At hindi ka lang sisiraan, sisirain talaga
Hihilahin pababa, titirahin sa kanta
Di na dapat ginawa, pinangalandakan pa
Ita tag pangalan mo para itatag pangalan niya
Kaya pag nagagalit, ang dalangin sa Ama:
Katatagan para tanggapin ang mga bagay
Na di na maiiba pa
At katapangan para baguhin ang
Maaari pang maisalba
At karunungan upang matutunan ang
Pinagkaiba ng dalawa
Sinusubukan ko naman na kumalma
Pero ba't ganon?
Nagsikalat mga ubod ng tanga
Kaliwa't kanan sila'y nagmamanman
Talagang susubukan ka
Pero di ko papabayaan ang
Sarili kong kapayapaan
Di na para lumaban pa
Wala sa diksiyunaryo ko na bumaba ba ba
Dekalidad mo hindi na para patulan pa
Di na para lumaban pa
Wala sa diksiyunaryo ko na bumaba ba ba
Dekalidad mo hindi na para patulan pa